^

Dr. Love

Hinagpis ng isang gay

-

Dear Dr. Love,

Bakit ganon, Dr. Love? Alam ko naman ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga commitment ang mga lalaki sa mga bakla. Unang-una na ang pera. Pagkakakitaan, lolokohin at pag­la­laruan  pero bakit patuloy pa rin ang mga  bakla na nagpapakatanga?

Alam ko na lahat kami ay umaasang  may darating na tamang tao para sa amin pero mulat na mulat ang aking isipan  na walang patutunguhan ang ganitong relasyon. Unfair iyon dahil kami ay nagpapakatotoo lamang. Oo kami na ang laging mali, wala raw ginawang homosexual ang Diyos. So  what they are trying to say? Na kami ay ginawa ng mga angkan ng mga demonyo? Kaya hindi nila ako masisisi kung maging malayo ako sa  mundo ng simbahan at mga banal. Mabuting tao naman ako gaya ng inaasahan sa akin ng Diyos at naniniwala akong may magandang rason ang bawat pangyayari sa buhay ko.

Madaling bigkasin ang salitang pagbabago­ pero mahirap itong gawin, lalo na’t taliwas sa iyong ka­gustuhan­. Maraming beses ko nang sinubukan na magbago pero lalo lang akong nahihirapan. Ngunit balang araw  ay iniisip ko rin na magkaroon ng  sariling pamilya pero paano mangyayari iyon kung mas mataray pa ako sa magiging asawa ko?

Adrian ng PUP

 

Dear Adrian,

Walang imposible sa Diyos. Marami akong kila­lang ex-practicing homosexuals na nakakilala sa Diyos at nagbago. Ang iba’y gay pa rin ang da­ting. Tumatalsik ang daliri at malumanay ang salita. Pero wala nang homosexual practice. Wala namang pinag-iba ang lalaking babaero sa bading na nanlalalaki. Parehong kasalanan ‘yon.

May iba naman na talagang binago ng lubos. Nababanaag pa rin ang “kahinhinan” sa galaw at pagsasalita pero nakapag-asawa at nagkaroon ng maligayang pamilya. ‘Yung iba’y naging pastor pa.

Sasabihin ng ibang hardcore gays na hindi sila nagpapakatotoo. Mali. Na-realize lang nila na mas mahal nila ang Diyos ng higit sa lahat. Knowing God is an experience. Hindi ito natatamo lang sa pagbabasa ng Biblia kundi sa patnubay ng Banal na Espiritu.

Adrian, may kalayaan tayong lahat na mamili ng daang tatahakin. Sa Biblia ay isinasaad ang daan tungo sa kaligtasan pero hindi ka pipilitin ng Diyos na sumunod dito dahil binigyan ka ng free will. Pero sa bawat desisyon natin, tandaan lang na palaging may consequence na dapat nating tanggapin ano man ito.

Dr. Love

vuukle comment

ADRIAN

ALAM

DEAR ADRIAN

DIYOS

DR. LOVE

KNOWING GOD

PERO

SA BIBLIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with