Dear Dr. Love,
Bumabati muna ako sa iyo at sa mga sumusubaybay ng iyong malaganap na column.
Itago mo ako sa pangalang Timmy, isang high school student.
Pero iba ang naramdaman ko nang maging teacher ko si Miss. Rosales. Matanda siya ng limang taon sa akin.
Sa aming history class, wala ako sa sarili at laging nakatitig sa kanya.
Hanggang pinadalhan ko siya ng love letter na minasama pala niya. Isinumbong ako sa principal at pinadadala sa akin sa eskuwela ang aking mga magulang.
Kasalanan ko ba kung umibig ako sa kanya. Mali ba ang ginawa ko?
Please help me.
Timmy
Dear Timmy,
Hindi lang ikaw ang nakaranas ng ganyan. Hindi mo nasabi ang edad mo pero palagay ko’y musmos ka pa at marami pang dapat malaman tungkol sa pag-ibig.
Totoong ang agwat sa edad ay hindi problema. Ang problema ay teacher mo siya at labag sa ethics na ligawan ng estudyante ang guro o ng guro ang estudyante.
Ituring mo na lang admiration ang nararamdaman mo. Kausapin mo si Miss Rosales at mag-sorry ka.
Dr. Love