^

Dr. Love

Totoo pala

-

Dead Dr. Love,

Just call me Emily. Naguguluhan po ako sa nangyayari sa amin ng boyfriend ko. Magkasama po kami sa trabaho. Naging maayos ang lahat hanggang sa natanggal siya sa work dahil sa marijuana.

Sabi niya ay may nanira lang sa kanya at naniwala ako. Nagalit ako sa mga gumawa sa kanya ng ganoon. Pati sa kaibigan namin na naglaglag sa kanya ay nagalit ako.

Tuloy ang relasyon namin kahit natanggal siya. Kami ay naging masaya. Pero habang lumilipas ang mga araw, nakikita ko ang pagiging insensitive niya sa nararamdaman ko tuwing may pagtatalo at tampuhan kami.

Pero hindi ko ‘yun binigyan pansin kahit nasasaktan ako sa ganun ugali niya. Mahal na mahal ko siya dahil na rin sa mga ipinakita niyang mabuti sa akin. After 5 months, nagsimula ang ‘di magandang pangyayari. Nabunyag ang totoo niyang pagkatao.

Ang issue noon sa pagkakatanggal sa trabaho, may katotohanan. User siya ng marijuana at nagbebenta siya nito hanggang work place. At habang nililigawan niya ako noong first month, may girlfriend siya. Hindi niya raw ako magawang bitawan dahil napamahal na raw ako sa kanya. Ano ang gagawin ko?

Emily

 

Dear Emily,

Kung user siya at mahal mo siya, dapat magpa-rehab siya. Hindi magiging matino ang relasyon ninyo kung mananatili siyang lulong sa droga. Iyan ang kondisyong ibigay mo sa kanya dahil kung talagang mahal mo siya, dapat concern­ ka sa kanyang pagbabago.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DEAR EMILY

DR. LOVE

IYAN

MAGKASAMA

NABUNYAG

NAGALIT

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with