^

Dr. Love

Nagungulila si Lorena

-

Dear Dr. Love,

Isa po ako sa masusugid na nagbabasa ng inyong column at ‘di nakukumpleto ang araw ko kapag walang sipi ng NGAYON sa aming tahanan­.

Tawagin mo na lang akong Lorena, isang misis na may dalawang anak at ang asawa ko’y isang seaman. Kada tatlong taon kung umuwi siya at natural lang marahil na mangulila ako sa kanya.

Sinabi ko na sa kanya na tumigil na siya sa pagiging seaman dahil may sapat na kaming­ naiipon pero ayaw niya. Kung naririto siya sa bansa, matagal na ang anim na buwan na magkapiling kami. Pati mga anak ko ay hindi na close sa kanya.

Ano ang gagawin ko para siya ay makum­binsi. Tao lang ako na mahina. Natatakot akong matukso at pumatol sa iba dahil lang sa pangu­ngulila.

Tulungan mo ako.

Lorena

Dear Lorena,

Sabihin mo sa asawa mo ang totoo mong damdamin. Na nangungulila ka sa kanya at kailangan mo siya.

Hindi talaga mabuti na nagkakalayo lalo na sa matagal na panahon ang mag-asawa. Kaso dala nang pangangailangan, ito’y ginagawa ng marami nating kababayan. At totoong maraming­ pamilya ang nawawasak dahil ang mga naiiwan ay nakikipagrelasyon sa iba.

Kung may sapat na kayong puhunan, ku­m­­binsihin­ mo siyang magpundar na lang kayo ng negosyo para sa maganda ninyong kinabukasan.

Dr. Love

ANO

DEAR LORENA

DR. LOVE

ISA

KADA

KASO

LORENA

NATATAKOT

PATI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with