^

Dr. Love

Ayaw magka-baby

-

Dear Dr. Love,

Isa po ako sa masusugid na tagasubaybay ng inyong column. Wala sa isip ko na matitikman ko ang hirap ng buhay sa kulungan. Pero inaamin kong naging mahina ako sa pagtanggap sa problema kaya nagumon sa droga.

Unang dagok sa buhay ko ang pag-abandona sa amin ng aming ama. Sumama siya sa ibang babae. Kaya mag-isa kaming itinaguyod ng aming ina. Nasa high school ako nang unang ma-in-love, napangalawahan pa ito. Pero parehong bigo dahil ayaw sa akin ng mga magulang nila dahil mahirap lang ang aking pamilya.

Sa ikatlong pagkakataon, tanggap na ako ng pamilya niya. Bukas ang aming relasyon sa lahat kaya kapag ginabi ay halos sa amin na siya umuuwi. Masaya ang aming pagsasama na biglang umasin nang gustuhin ko nang magka-baby. Tutol siya kaya ipinalaglag ang dinadala.

Nawalan ako ng respeto sa kanya. Nakipag­hiwalay ako. Dito naman nagsimula ang aking pakikipagbarkada, paggamit ng bawal na gamot at pagtutulak din nito. Taong 2005 nang ako ay maaresto at nasentensiyahan ng 12 taong pagkakakulong.

Sa ngayon po, nag-aaral ako dito sa loob ng kursong bokasyonal. Nagsisisi ako ng lubos sa tinahak kong madilim na landas ng buhay. Pero umaasa ako na mapapatawad pa ako ng Diyos at ng sosyedad sa aking kasalanan.

Hanggang dito na lang po at hihintay ko ang inyong makabuluhang payo.

Gumagalang,

Mark Christopher Camba

Bldg. 4-C Student Dorm

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

 

Dear Mark,

Sa dami ng mga pinagdaanan mo sa buhay, mula pa sa pagkabata. Dapat ay naging matatag ka na. Kung noong mga sandaling bigo ka matapos makipaghiwalay sa iyong nobya, tinularan mo sana ang positibong disposisyon ng iyong ina para magpatuloy sa buhay sa kabila ng ginawa ng iyong ama.

Pero nariyan na ’yan. Magpakabuti ka diyan sa loob at huwag mawalan ng pag-asa. Dahil natitiyak kong may babaeng nakalaan para sa iyo na magmamahal sa iyo ng tapat at magbibigay katuparan sa pangarap mong magka-baby.

Dr. Love

AKO

BUKAS

C STUDENT DORM

CAMP SAMPAGUITA

DAHIL

DEAR MARK

DR. LOVE

MARK CHRISTOPHER CAMBA

MUNTINLUPA CITY

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with