Dear Dr. Love,
Maraming salamat sa pagpapaunlak mo sa aking abang liham Dr. Love. Please, ikubli mo na lang ako sa pangalang White Rose, 20 years old at kumukuha ng IT.
Si Rommel ang una kong kasintahan at nagtagal ng two years ang aming relasyon. Akala ko, kami na ang magkakatuluyan. Nagkamali ako.
Nagtaka ako kung bakit bigla siyang naglaho. Walang dalaw, walang text, walang tawag. Isang linggo iyon.
Masakit ang loob ko sa pangyayari at bagamat anim na buwan na simula nang maganap ito, ramdam ko pa ang kirot sa aking puso. Ako’y nag-aral sa isang Catholic school at close sa mga madre. Balak ko ngayon na pumasok sa kumbento para mag-magmadre at Dios na lang ang paglilingkuran ko.
Pero nagdadalawang-isip ako at baka mali ang rason ko sa pagpasok sa kumbento. Tulungan mo akong mag-decide Dr. Love.
White Rose
Dear White Rose,
Sa pagkaalam ko, bokasyon ang pagmamadre o pagpapari. Ito ay isang calling na pinaniniwalaan ng mga Katoliko na galing sa Dios.
Baka nga namamali ka ng desisyon kung hindi ang pagtawag ng Dios ang magbubunsod sa iyo sa pagmamadre kundi kabiguan.
First boyfriend mo ika mo si Rommel? Medyo masakit nga kung hindi mo siya nakatuluyan pero isipin mo na lang na hindi siya karapat-dapat sa iyong pagtatangi.
Maraming lalaki riyan na mas karapat-dapat sa iyo.
Dr. Love