^

Dr. Love

Gustong mag-madre

-

Dear Dr. Love,

Maraming salamat sa pagpapaunlak mo sa aking abang liham Dr. Love. Please, ikubli mo na lang ako sa pangalang White Rose, 20 years old at kumukuha ng IT.

Si Rommel ang una kong kasintahan at nagtagal ng two years ang aming relasyon. Akala ko, kami na ang magkakatuluyan. Nagkamali ako.

Nagtaka ako kung bakit bigla siyang naglaho­. Walang dalaw, walang text, walang tawag. Isang­­ linggo iyon.

Masakit ang loob ko sa pangyayari at ba­gamat anim na buwan na simula nang maganap ito, ramdam ko pa ang kirot sa aking puso. Ako’y nag-aral sa isang Catholic school at close sa mga madre. Balak ko ngayon na pumasok sa kumbento para mag-magmadre at Dios na lang ang paglilingkuran ko.

Pero nagdadalawang-isip ako at baka mali ang rason ko sa pagpasok sa kumbento. Tulu­ngan mo akong mag-decide Dr. Love.

White Rose

Dear White Rose,

Sa pagkaalam ko, bokasyon ang pagmamadre o pagpapari. Ito ay isang calling na pinaniniwalaan ng mga Katoliko na galing sa Dios.

Baka nga namamali ka ng desisyon kung hindi ang pagtawag ng Dios ang magbubunsod sa iyo sa pagmamadre kundi kabiguan.

First boyfriend mo ika mo si Rommel? Medyo masakit nga kung hindi mo siya nakatu­lu­yan pero isipin mo na lang na hindi siya karapat-dapat sa iyong pagtatangi.

Maraming lalaki riyan na mas karapat-dapat sa iyo.

Dr. Love

BALAK

DEAR WHITE ROSE

DIOS

DR. LOVE

ISANG

MARAMING

SHY

SI ROMMEL

WHITE ROSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with