^

Dr. Love

Naanakan ang lover?

-

Dear Dr. Love,

Hindi ko po alam kung dapat kong guluhin ang aking isip sa isang bagay na kung tutuusin ay makapagdudulot lang ng kawalan ng katahimikan ng aking pamilya.

Isang kaopisina kasi ang nakapagsabi sa akin na kamukhang-kamukha ko ang anak ng dati kong karelasyon na si Mercy. Pamilyado rin siya gaya ko nang may mamagitan sa amin. Aminado ako na kung hindi naputol agad ang aming relasyon ay may tsansang maging dahilan ito ng paghihiwalay naming ng legal kong asawa. At pagkasira ng kinabukasan ng tatlo kong mga anak.

Salamat na lang at sa pangaral ng aking mga magulang na nakialam at nag-ayos sa aming mag-asawa. Nag-usap din kami ni Mercy at maayos na naghiwalay para sa kapayapaan ng aming sari-sariling tahanan. Lumipat ako ng tirahan at opisina, at kalaunan ay nangibang bansa ako para doon magtrabaho.

Limang taon akong nagtrabaho sa abroad at nang makabalik ay saka nakarating sa akin ang impormasyon ng dating kaopisina.  Sinikap kong tawagan si Mercy para tiyakin kong nagbunga nga ang aming relasyon pero sinabi niyang tsismis lang ‘yun. Sinabi rin niya na huwag kong istorbohin ang pananahimik niya sa piling ng asawa. Sana raw igalang ko ang aming napagkasunduan noon, na ang nangyari sa amin ay isa lang “spark of the moment” at kapwa nagdilim ang aming isip.

Dapat ko pa bang tiyakin kung talagang akin nga ang anak ni Mercy? Parang ginamit lang niya ako at ito ay hindi ko matanggap.

Salamat po at sana ay mapayuhan ninyo ako.

Gumagalang,

Leonardo

Dear Leonardo,

Ang nangyari sa inyo ni Mercy ay nakalipas na. Kung pipilitin mong ungkatin ang natapos na at maging banta ito sa pagkasira ng inyong kinabukasan ng sariling pamilya. Pinakamabuti na huwag mo nang pag-aksayahan ng panahon.

Tama ang ‘yung ex-lover, huwag mo nang istorbohin ang pananahimik ng kanyang buhay. Manahimik ka na rin at ituon ang iyong atensiyon sa sariling pamilya.

Tungkol sa sinabi mo na hindi mo matanggap kung ginamit ka lang ni Mercy. Sa nangyaring kapwa pagtataksil ninyo sa inyong mga asawa, pareho kayong naggamitan.

Ang maipapayo ko, huwag mo nang balikan ang tinalikuran mo na. Dahil kung mangyayari ito, ikaw na ang gumawa ng paraan para mawasak ang sarili mong pamilya.

DR. LOVE

AMINADO

AMING

DAHIL

DAPAT

DEAR LEONARDO

DR. LOVE

GUMAGALANG

ISANG

KONG

KUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with