^

Dr. Love

Nanlamig ang ka-live-in

-

Dear Dr. Love,

Isa po ako sa mga masugid ninyong taga­hanga.

Ako si Mitchie, 23 years old. Meron po akong ka-live-in at nakatira kami sa bahay nila. Matagal na rin po kami, almost 2 years na. Umaalis po ang ka-live-in ko at nagtrabaho sa ibang bansa. Noong una pa lang masaya ang aming pagsasama kahit na nasa malayo siya. Lagi kaming masaya kahit na magkausap sa cellphone at sa internet. Pero bigla na lang nag-iba na siya. Ngayon po ay naghihinala ako sa mga ginagawa niya dahil kakaiba talaga. Parang marami siyang itinatago sa akin. Nagtatanong naman po ako kung bakit ganon na lang. Ang lagi niyang sagot sa akin ay wala.

Nagagalit pa siya sa akin kapag ginagalaw ko ang cellphone niya. Minsan na rin po akong nagselos sa kasambahay ng mommy ko dahil iba po ‘yung tinginan nila at mga kilos. Isang araw nahuli ko sila na nag-uusap at nung nakita nila ako biglang lumayo ‘yung girl. Dati po kapag nagpupunta kami sa bahay namin gusto ng ka-live-in ko na lagi akong kasama. Pero nitong nagdaang araw ‘di na niya ako sinasama. Ang lagi niyang dahilan magtatagal lang daw kapag sumama pa ako sa kanya. Dr. Love sana po matulungan ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin.

Thanks po more power and God bless.

Mitchie

Dear Mitchie,

Nagaganap ang ganyang situwasyon sa ibang couples kasal man o hindi. Madalas, ang dahilan ng panlalamig ay ‘yung tinatawag na third party.

Sa kaso mo, mukhang may ibang love inte­rest ang asawa mo dahil sa malaking pagbabago niya sa loob lamang ng dalawang taon ninyong pagsasama.

Kaya hindi ako pabor sa live-in. Sa ganyang mga situwasyon, palaging babae ang lugi kapag may nangyaring aberya. Hindi mo nasabi kung may anak kayo. Pero alam mo ba na kapag hiniwalayan ka niya, mahihirapan kang maghabol ng sustento dahil wala kang papeles na magpapatunay na mag-asawa kayo.

Sikapin mong maayos ang relasyon ninyo sa pamamagitan ng komunikasyon. Mag-usap kayo at ugatin ang dahilan ng panlalamig niya at hanapan ng paraan kung puwede pang magkasundo at papag-alabin ang relasyon gaya ng dati.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DATI

DEAR MITCHIE

DR. LOVE

ISA

ISANG

KAYA

LAGI

MITCHIE

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with