^

Dr. Love

Isipin mo ang iyong pamilya

-

Dear Dr. Love,

Una sa lahat, isa po ako sa palaging nagbabasa ng inyong column sa PSN. Meron na akong asawa at tatlong anak. Nagtatrabaho po ako dito sa Canada as an OFW.

Ang problema ko po ay nagsimula nang makilala ko si Ms. C sa kumpaya na dati kong pinagtatrabahuhan. Siya po ay 24 years old during that time at ako naman po ay 33 years old. Naging mag­kabarkada kami at na-in-love ako sa kanya. Ipinagtapat ko ito at noon ko nalaman na may pagtingin din siya sa akin. Pumayag siya sa pagkakaroon namin ng relasyon kahit alam niyang may asawa at tatlong anak na ako.

Ngayon po ay medyo nagkakalabuan na po kami dahil meron akong nabalitaan na maraming lalaki ang umaaligid sa kanya. Kinumpronta ko siya pero sinabi niya sa akin na hindi totoo ang mga nabalitaan ko at siniguro niya. Naguguluhan na po ako sa relasyon namin Dr. Love. Gusto ko na siyang pakawalan dahil alam ko po na mali, pero hindi ko po kayang mawala siya sa buhay ko. Halos pitong taon na rin po ang relasyon namin. Ano po ang dapat kong gawin? Gulong-gulo na po ako. Sana po ay mapagpayuhan ninyo ako.

Maraming salamat po. More power sa inyong column.

Mr. A

 

Dear Mr. A,

May asawa ka na at tatlong anak at alam mong illicit­ love affair ang pinasok mo. Pero tila masyado ka nang emotionally attached sa girlfriend mo sa Canada.

Don’t you think it’s unfair to your own family? At tila nagiging masyado ka pang seloso sa mga other guys ng girlfriend mo. Isipin mo na lang na kung ikaw na may asawa ay nangangaliwa, siya pa kaya? Kahibangan lang ang nararamdaman mo. Sabihin mo mang mas mahal mo ang babaeng iyan kaysa asawa mo, huwag mong sabihin na pati sarili mong anak ay kaya mong talikuran para sa kanya?

Ang payo ko, magpakatino ka na para sa ikabubuti ng iyong pamilya.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DR. LOVE

GULONG

IPINAGTAPAT

ISIPIN

KAHIBANGAN

KINUMPRONTA

MR. A

MS. C

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with