^

Dr. Love

Tototohanin ba niya ako?

-

Dear Dr. Love,

Just call me Jenjen, 21 years old. May boyfriend ako for one year na kinalasan ko for another guy. Tama ba ang ginawa ko?

Nag-board kasi ako sa isang bahay at dun ko nakilala ang guy na anak ng may-ari. Naging­ close kami at nag-share kami ng room. Pumayag naman ang mga parents­ niya.

Dahil mabait sa akin ang mga parents niya at mabait din siya, nagkagustuhan kami. May nangyari na sa amin pero after a while, nagpunta siya sa Dubai para magtrabaho. Sabi niya pakakasalan daw ako pagbalik niya kung magko-convert ako sa kanyang religion.

Dito ako naguguluhan. Tototohanin kaya niya ako?

Jenjen

Dear Jenjen,

Hindi pag-ibig iyan kundi kapusukan. Natural na magkagustuhan kayo dahil nagsalo kayo ng room. At napakakunsin­todor naman ng magulang ng lalaki na pa­yagan ang ganyang arrangement.

Paano kung nabuntis ka, eh di ikaw ang lugi kung hindi ka pakasalan? Saka mabigat na kondisyon ‘yung magpapalit ka ng relihiyon para sa kanya. Laging prayoridad natin ang pananampalataya.

Narinig mo ba ‘yung sinabi ni Shamcey­ Supsup nang tanungin siya sa Miss Universe Pageant? Hindi niya ipagpapalit ang Diyos kahit sa minamahal niyang boyfriend.

At sana, hindi mo ipinauubaya ang iyong pagkababae sa sino man kung walang kasal. Kasalanan iyan.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DAHIL

DEAR JENJEN

DITO

DIYOS

DR. LOVE

DUBAI

JENJEN

KASALANAN

MISS UNIVERSE PAGEANT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with