Confused and lonely

Dear Dr. Love,

Ako po ay isang OFW may asawa at wala pa kaming anak sa loob ng apat na taon naming pagsasama.  Nandito po kaming dalawa sa abroad. Nagtatrabaho kami sa magkaibang city pero sa iisang bansa lang. Dahil sa schedule ng trabaho niya nagkikita kami dalawa hanggang tatlong gabi lang kada linggo sa place ko.

May kutob ako na may babae ang husband ko.  Nag-iba kasi ang pakikitungo niya sa akin for over two years now, we never been together para magbakasyon sa Pilipinas dahil itinatago niya ang vacation plan niya. The worst, we don’t have sex at all for about 3 years now.  Sabi niya sa akin- he is just tired, stress at wala na siyang interest to do sex kasi impotent daw siya. Kaya I encourage him to see a doctor, but he is not willing to do it.

Mahal ko ang husband ko sa kabila ng lahat. Pero I am very confused and lonely sa situation ko sa kanya. I felt may kaunting pagmamahal pa siya sa akin. It is clear to me na ayaw niyang mag-explain sa mga tanong ko.  He wants me to stay with him, without asking.

Nais ko pong idulog sa inyo at mabigyan ng payo ang problema ko.

Pagpayuhan n’yo po ako. Maraming salamat.

Gumagalang,

Mrs. Confused

 

Dear Mrs. Confused,

Minsan dapat ding tingnan ang ating sarili kung bakit nagbabago ang pakikitungo sa atin ng ating mga asawa. Buksan ang linya ng komunikasyon at ito ang iyong sikaping alamin. For a relationship to work, dapat may partisipasyon ang dalawang panig. Tanungin mo siya kung bakit parang tinatabangan na siya sa iyo.

Mahirap para sa akin na hulaan ang dahilan ng ipinagkakaganyan ng asawa mo kaya komo may direktang komunikasyon ka sa kanya, sikapin mo itong alamin.

Dr. Love

Show comments