^

Dr. Love

Mahal pa rin ang ex-girlfriend

-

Dear Dr. Love,

Isa ako sa mga masusugid na tagasubaybay ng inyong sikat na pahayagan at ng inyong popular na column na Dr. Love. Narito po ako ngayon sa pambansang bilangguan dahil sa salang pagpatay. Napatay ko po ang taong nang-rape sa aking girlfriend. Pero ang hindi ko matanggap na sa kabila ng lahat hindi man lang niya ako sinilip sa kulungan at alamin ang aking kalagayan.

Maraming taon na ang lumipas, nalulungkot pa rin ako sa nangyari pero ni minsan ay hindi ko siya sinumbatan dahil mahal ko pa rin siya.

Sa ngayon, pinagsisikapan kong mapaunlad ang sarili, nag-aaral ako dito sa loob. Dr. Love, sana po magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat para makapagsimula uli ako ng bagong buhay, bagong pakikisama at pakikipagpalitan ng kuro-kuro sa mga magnanais na makipagkaibigan sa akin. Sa dakong huli, alam kong puwede pa rin akong mangarap uli na magkaroon ng sariling pamilya.

Maraming salamat po at more power to you.

Truly yours,

Joseph Alvarez

Student Dorm 231 Bldg. 2

MSC, Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776                                                                                                 

Dear Joseph,

Bagaman sinasabi mong ayaw mong ma­numbat sa dating nobya, hindi maitago ang dam­­ damin mo. Ang paghihinanakit sa kanya dahil tinalikuran ka niya sa panahong kailangan mo ang lahat na pang-unawa at pagpapalakas ng loob para malampasan mo ang mga pagsubok sa loob ng bilangguan.

Ang sabi mo, hindi nagbago ang pagtingin mo sa dating nobya sa kabila ng mga nangyari. Hindi kaya sa kabilang dako, nagpasya na ang nobya mo na hindi na makipagkita sa iyo dahil ayaw niyang kaawaan mo siya at hindi niya matanggap sa sarili na nakulong ka dahil sa nais mo siyang maiganti sa kamay ng nangmolestiya sa kanya? Isa lang itong posibilidad na dahilan para tumalikod na siya sa iyo. Hindi dahil sa umayaw siya dahil nakulong ka.

Anuman ang dahilan niya sa ginawa niya, patawarin mo na lang siya at sana, makatagpo ka ng ibang babae na walang pasubali ang pag­­mamahal para sa iyo. Good luck at sana, mapaaga ang iyong paglaya sa pamamagitan ng parole o kaya’y commutation of sentence.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

CAMP SAMPAGUITA

DAHIL

DEAR JOSEPH

DR. LOVE

ISA

JOSEPH ALVAREZ

MARAMING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with