^

Dr. Love

'Di kapintasan ang kapansanan

-

Dear Dr. Love,

Maalab na pagbati sa iyo at sa mga laging nagbabasa ng Dr. Love. Ikubli mo na lang ako sa alias na Macho-man, 25 anyos at may ari ng isang maliit na computer shop.

May nakilala ako sa facebook at na-love at first sight ako sa napakaganda niyang profile picture. Madalas ka­ming nagcha-chat hanggang mahulog ang loob namin sa isa’t isa. Tawagin mo na lang siyang Portia.

Kabi-break ko lang sa dati kong girlfriend at damdam ko’y si Portia ang sagot sa aking pangungulila.

Matapos ang mahigit isang buwan ay nagkasundo kaming magkita sa isang fast food chain sa isang mall.

Maganda nga siya tulad ng nasa larawan niya. Pero tinabangan ako dahil may kapansanan siya. Nakasaklay siya at sinabi niya na siya’y polio victim. Payat at maikli ang kanang paa niya.

Hindi niya ito sinabi nang kami’y magka-chat pa lang at sa tingin ko, hindi fair na ginawa niya ito sa akin. Pero nararamdaman kong love ko siya, kaso nagdadalawang loob ako. Humingi siya ng tawad sa akin na hindi niya agad nasabi ang kanyang kapansanan.

Ipagpapatuloy ko pa ba ang relasyon ko sa kanya?

Macho-man

Dear Macho-man,

Ang kapansanan ay hindi kapintasan. Kung ramdam mong mahal mo pa rin siya, bakit mo siya tatalikdan dahil lamang sa ‘di niya pagtatapat na may depekto siya? Marahil ay takot siyang layuan mo siya kapag nalaman mo ang kapansanan niya.

Pero pakasuriin mo ang damdamin mo sa kanya para matiyak mo na mahal mo nga siya at mahal ka rin niya.

Dr. Love

DEAR MACHO

DR. LOVE

HUMINGI

IKUBLI

IPAGPAPATULOY

KABI

MAALAB

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with