^

Dr. Love

Huwag ipinid ang puso

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Edgar, 28 anyos at binata pa. Simula nang ako’y 19-anyos pa lang ay nagkaroon na ako ng anim na girlfriends.

Masama ang loob ko sa kanilang lahat dahil puro sila double timers. Ibig sabihin, hindi lang ako ang lalaki sa buhay nila.

‘Yung unang girlfriend ko ay kitang-kita ko na naglalakad sa mall na may nakaakbay na ibang lalaki.

‘Yung ikalawa ay mas masahol dahil nakita kong papalabas sa isang motel lulan ng isang kotse na minamaneho ng ibang boyfriend niya. Lahat sila’y puro taksil.

Ang iba sa kanila’y nagtanan nang wala akong kaalam-alam na may iba silang lalaki. Bakit ganoon, Dr. Love?

Tatlong taon na akong zero sa love life dahil takot na akong umibig. Sa halip, itinutu­ring ko ang sarili ko ngayon na woman-hater.

Paano mawawala ang damdaming ito?

Edgar

Dear Edgar,

Kung manliligaw ka, kilatisin mo munang mabuti ang pagkatao ng babae. Baka naman madali kang madala kapag nakita mo na seksi ang babae at medyo nagpapakita ng motibo.

Hindi lahat ng babae ay taksil at naniniwala akong unfair kung lahat sila’y kasusuklaman mo.

Huwag mong isara ang iyong puso at hanapin mo ang babaeng may katangian ng isang tunay na dalagang Pilipina.

Dr. Love

BAKIT

DEAR EDGAR

DR. LOVE

HUWAG

IBIG

LAHAT

MASAMA

PAANO

PILIPINA

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with