^

Dr. Love

May ibang pamilya si mister

-

Dear Dr. Love

Ako po si Susan 38 anyos at kasal sa isang opisyal ng AFP na 4 taon nakadestino sa mala­yong lugar ng Pilipinas. 20 years na po kaming mag-asawa at maayos ang aming pagsasama. Paminsanminsan po siyang nagbabakasyon dito sa amin at maraming beses po sa isang araw kami nagti-text at nagtatawagan 4 na babae po ang aming anak. Gustong gusto po niya noon pa ng anak na lalaki pero hindi ko na po mabigyan dahil ligated na po ako. Hindi rin po nahirapan sa pagpapamilya ang asawa ko dahil may mga pinagkakakitaan po ako.

Kailan lang po ay nalaman ko na may iba pala siyang pamilya doon at 2 taon na silang nagsasama bilang pamilya at iyon ang akala ng mga tao doon pati mga pamilya ng babae na sila ay mag-asawa, pero alam ng babae na may pamilya ang kinakasama niya. Nalaman ko rin po na kabikabila ang loan ng asawa ko at malalaking halaga para sa mag-ina niya doon samantalang sobrang napakaliit ang binibigay sa amin ng 4 na anak niya kompara sa kanila. Ayaw daw po ng asawa ko na maghiwalay kami dahil mahal daw po niya kami ng mga anak niya. Nakiusap po ang asawa ko na pabayaan ko sana siya na magsama sila ng babae niya kasama ang anak nila habang nandoon siya at ayaw daw niyang pabayaan ang mag-ina niya.

Lubhang napakasakit po dahil naging mabuti po akong asawa sa kanya at ina sa mga anak namin. Hindi ko po siya kayang sawayin dahil mahal na mahal ko po ang asawa ko at ayaw kong mawala siya sa amin ng mga anak ko. Lumapit na po ako sa main office nila pero hindi pa daw po pwedeng ilipat ng destino ang asawa ko dahil kailangan daw po ng opisyal  sa  lugar  na kung saan nakadestino ang asawa ko.

Ano po ang gagawin ko Dr. Love? Sobra na po akong nasasaktan at naapektuhan na rin po ang pagiging ina ko sa mga anak ko. Sana po ay payuhan ninyo ako.

Nagpapasalamat,

Susan

 

Dear Susan,

Nalulungkot ako para sa iyo. Legal na asawa ka at natuklasan mong may ibang pamilya ang asawa mo. Masakit.

Sabi nila, normal sa mga lalaki ang babaero pero hindi ako pabor na komo ginagawa ng marami ay dapat kunsintihin. Ang mali ay mali.

Puwede niyang sustentuhan ang anak niya sa ibang babae dahil katungkulan niya ’yon. Siya ang ama ng bata kaya dapat sustentuhan niya ito. Pero ibang usapan kung pakikisamahan niya ang babae niya.

Kung dadaanin sa legal na usapan, puwede kang magdemanda ng concubinage o pakiki-apid laban sa asawa mo. Para sa akin, ang mali ay mali at di dapat kunsintihin.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANAK

ANO

ASAWA

AYAW

DAHIL

DEAR SUSAN

DR. LOVE

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with