Picture perfect family
Dear Dr. Love,
Ako po si Leila, 17 at nasa ikalawang taon bilang isang Iskolar ng bayan sa isang pamantasan sa Maynila. Apat kaming magkakapatid at ako na lang ang nag-aaral. I thought I’ve lived in a picture perfect family. Sa tingin ko noon, ideal ang Dad ko. Wala kahit anong bisyo. Relihiyosa naman ng nanay ko. Nagbago ang pagkakilala ko sa Dad ko. Minsan ay hiniram ko ang cell phone niya para tawagan ang isa kong kaklase. Napansin ko na may text messages ang aking dating Yaya Diane sa kanya. Yaya ko siya since 1st grade hanggang high school.
Nahiwatigan ko sa mga text ni yaya na may namamagitan sa kanila ng aking Dad noon pa man. Umalis ang Dad ko at nagpaalam na he will go to the mall to buy some stuff. Duda ko’y magkikita sila ng aking dating yaya pero ‘di ko siya nasundan dahil may exam ako noon. Ipinagdarasal ko lagi na magbago siya.
Affected ako ng mga pangyayari. Even my friends think na man-hater ako. Akala nila ako’y tomboy dahil nag-iba ang pananaw ko sa kalalakihan. Sa totoo lang, ang Mom ko ang may kaya dahil heredera ng aking mayamang lola. Si Dad ay mahirap lang kaya nanunumbat ako sa aking kalooban. Sabi ko sa sarili ko, dapat may pre-nuptial agreement ang mom at dad ko.
Ngayon po ay sasali ako sa isang writing contest kung saan ang tema ay bigyang pugay ang aming ama subalit hindi ko po alam kung saan ako huhugot ng damdamin para sa isusulat ko, sabi nila ay alalahanin ko ang mabubuting pangyayari kasama ang tatay ko pero kahit anong gawin kong alala ay lalong naiinis lang ako dahil kasama si Yaya Diane sa mga moments na iyon sa buhay ko. Mahirap baguhin ang virtue ng tao sa isang iglap lang. Dr. Love ano po ang gagawin ko?
Leila
Dear Leila,
I cannot be judgmental para kondenahin ang iyong ama. Lahat kasi ng tao ay nagkakamali at ang bawat pagkakamali ay may dahilan. Hindi ko alam kung ano pero ano man ‘yon, tama ang ginagawa mong ipinananalangin mo ang pagbabago ng iyong ama.
Huwag mong bayaang mapalitan ng pagkasuklam ang pagmamahal at dati mong paghanga sa iyong ama. Focus on the good old days at sikapin mo pa rin siyang unawain. Para maresolba ang problema, open the line of communication. Mag-usap kayo nang heart to heart at walang halong galit. Let him open up to you.
Tell him how much you still love him despite of everything and how you pray for him to change. In any case, huwag mong bayaang makasira sa iyong concentration ang problema mong iyan.
Dr. Love
- Latest
- Trending