^

Dr. Love

Paano ang lumimot?

-

Dear Dr. Love,

Sana ay matulungan mo ako sa problema ko tungkol sa aking kasintahang hindi ko ma­kalimutan­.

Naghiwalay na po kami ng boyfriend ko at mayroon na po siyang iba pero dahil napaka­raming paraan sa internet para makita sila ‘di ko maiwasan na ‘di tingnan ang profile nila at ang password pa ng facebook niya ay alam ko at ‘di niya ito pinapalitan.

Ano po bang dapat kong gawin para makalimutan ko ang boyfriend ko, hindi pa din naman po ako handang makipagrelasyon sa iba. More power po sa inyo and God bless.

Trisha

Dear Trisha,

Talagang hindi mo siya makakalimutan kasi ayaw mong lumimot. Lagi siya sa kukote mo at tinitingnan mo pa ang Facebook account niya.

Pero may mga masakit na katotohanang dapat tanggapin. Kung hindi ka na niya mahal, wala kang choice kundi limutin siya. Mahirap, masakit pero iyan ang dapat gawin.

Itigil mo na ang pagsulyap mo sa kanyang Facebook at i-delete mo na siya sa memory mo. Maraming lalaki riyan. Kung may sugat ang puso mo ngayon, hihilom din iyan.

Dr. Love

ANO

DEAR TRISHA

DR. LOVE

FACEBOOK

ITIGIL

LAGI

MAHIRAP

MARAMING

NAGHIWALAY

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with