^

Dr. Love

Kulang sa lambing?

-

Dear Dr. Love,

Matagal na po akong nagbabasa ng PSN  at sumusubaybay sa column mo pero ngayon lang po ako nagkalakas ng loob na sumulat sa inyo. Itago niyo na lang po ako sa pangalang May.

Im still in college right now. I just turned 17. Ang problema ko po ay hindi ako makamove-on sa break-up namin ng ex ko na itago niyo po sa pangalang Jeron. Mabait po siya, hindi mabis­yo pero parang takot lang siyang magmahal. Siguro po kasi ganito rin ang nangyari sa ama niya na iniwan sila ng siya po ay maliit pa. Hindi siya sanay na sweet kami. Ako lang ang nagpaparamdam palagi na mahal ko siya.

Sa kabila nito, hindi niya ko niloloko. At hanggang ngayon nga wala pa siyang ibang nililigawan. Hindi rin po siya bakla. Pero dahil nakakainis, ako na ang nakipaghiwalay. Masakit po ito kasi halos lahat alam ang naging relasyon na­min. Mahal ko po siya pero hindi ko alam kung minahal niya ako. Pero parang hindi na uli naging kumpleto ang araw ko ng walang communication sa kanya. Kapag first love po ba talagang masakit? Bakit hindi ko siya malimutan? At may ibang lalaki ba na talagang hindi lang masyadong nagpaparamdam? Please help me. And please don’t publish my email. I want it to be confidential since he is very private and ayokong magalit siya sa akin.

May

 

Dear May,

Hindi malinaw kung sino ang nakipag-break sa inyong dalawa. Siya ba o ikaw?

Kung ikaw ang nakipag-break, para kang nagtapon ng kayamanan dahil tulad ng sinabi mo mismo, mabait siya at walang bisyo. Tinuran mo rin na hindi ka niya niloko sa loob ng panahon ng inyong relasyon. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig mong sabihin na takot siyang magmahal.

Kung ang pagiging less demonstrative niya sa pag-ibig niya sa iyo ang tinutukoy mo talagang may mga lalaking ganyan. Posibleng igi­nagalang niya ang iyong pagkababae at ibig niyang maging malinis kayo kapwa hanggang sa pagharap sa altar.

Bihira ang ganyang lalaki. Madalas, gustong-gusto ng mga lalaki ang babaeng agresibo dahil parang korona sa kanila na maangkin ang pagkadalaga ng kanilang kasintahan.

Sa himig ng sulat mo, parang ikaw ang more aggressive sa relasyon ninyo. Ang payo ko, huwag kang ganyan para igalang ka ng lalaki.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BAKIT

BIHIRA

DEAR MAY

DR. LOVE

ITAGO

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with