Tinalikuran ni Misis

Dear Dr. Love,

Tanggapin po ninyo ang mataos kong pagbati sa maganda ninyong column.

Isa akong trainor sa ehersisyo noong nakakalaya pa. Nakulong ako sa pagdedepensa sa sarili. Maimpluwensiyang tao ang nasa likod ng aking kaso na nabahiran pa ng pulitika. Isa kasi akong lider noon sa aming probinsiya.

Natanggap ko na po ang lahat,  bagaman masakit ito sa aking kalooban dahil pinaglayo kami ng aking asawa at anak ng pagkakakulong ko. Nagpunta sila sa Maynila para magtrabaho ang misis ko upang masuportahan ang pa­nga­­ngailangan ng aking mga anak. Pero naba­litaan ko na lang na mayroon nang lalaking kina­ka­sama ang aking misis. Sa pangyayaring ito, halos gumuho ang mundo ko. Gusto ko nang magpakamatay bago tuluyang masiraan ng isip. Subali’t  may takot pa ako sa Diyos kaya na­kon­trol ko ang sarili sa maitim kong balak.

Kaya sa pagharap sa hamon ng buhay, pinili ko ang magpatuloy ng pag-aaral sa kursong business administration major in marketing management. Sa pamamagitan nito, kahit paano ay nalimutan ko ang masakit na sinapit ng aking buhay.

Sana po, mapayuhan ninyo ako at hangad kong magkaroon ng maraming kaibigan na ma­ka­pagbibigay sa akin ng moral support, maging ng tapat na magmamahal sa akin sa kabila ng  sinapit ko.

Truly yours,

Randy Ordeales

Student Dormitory 4-D

MSC Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Randy,

Hindi nga madaling tanggapin na ang isang dating maligayang tahanan ay maging watak-watak na ngayon dahil sa pagkakulong mo dulot ng kawalan ng kahinahunan. Gayunman, alam ko na mabuti kang tagasunod ng ating Panginoon dahil napigil mo na tapusin ang sariling buhay.

Yaman din lang na natanggap mo ang pagkakasala, matututuhan mo ring tanggapin ang pagtalikod ng iyong asawa. Hindi tayo binibigyan ng ating Panginoon ng pagsubok na hindi natin malulusutan at balikatin. Ipagpatuloy mo ang pagpapakabuti sa loob para makabilang ka sa posibleng mapalaya ng maaga.

Dr. Love

Show comments