^

Dr. Love

Kay Miserable Teenager

-

Dear Dr. Love,

Salamat sa malaganap mong  column at marami kang natutulungang tao ukol sa iba’t ibang problema. Ang sulat kong ito ay para kay Miserable Teenager­ ng Q.C. Gusto ko pong malaman kung anong address­ niya at baka kahit paano ay makatulong ako sa kanya kung hindi man panghabang buhay ay kaunting relief para sa kalagayan niya ngayon.

Ako man ay galing sa hirap at ang nanay ko ay naglalaba ng damit ng mga may kayang kapitbahay noon at sa squatter area rin nakatira noon. High school ako nang kausapin ko ang nanay ko na gusto kong makatapos ng kolehiyo, umiyak siya dahil mahirap lang kami at walang pera.  Sinabihan ko si nanay na kung makapasa ba ako sa entrance exam sa PUP at UP (dalawang pampublikong pamantasan at pinakamura) eh papayag ba siya kahit magworking student ako... lalo siyang naiyak dahil babae ako at ayaw niya akong mahirapan, pero nangutang ako sa kapitbahay namin para makapag-test at nakapasa naman at nakatapos ng pag-aaral... the rest is history ika nga at hindi ko na nilingon kung anong hirap ang dinanas ko basta alam ko kung saan ako patutungo.

May koneksyon pa rin ako sa squatter area na pinanggalingan ko at lagi akong bumibisita tuwing nagbabakasyon ako sa Pilipinas at nagbibigay ng tulong kapag kailangan... bilang paalala sa sarili ko na doon ako nagsimula at yun ang naging pundasyon ko kung ano man ang naging kalagayan ko ngayon.

Listen to your heart and it will take you wherever you want to be.... at siyempre ang paggabay ng Panginoon ang lagi mong paniwalaan at hindi ka maliligaw ng landas kahit na ano pang hirap ang daranasin mo at igagabay ka Niya sa kabutihan.

Huwag mo na lang ilagay ang buong pangalan ko at baka naman maraming mapagsamantala ang sumulat at akalaing instant palabigasan ako. Gusto ko lang tumulong sa espesyal na batang ito. Maiksi lang ang buhay natin and this is one way of sharing my blessings in life although may ilang bata na akong napatapos ng pag-aaral at ngayon ay may mga trabaho na at nagpapaaral na rin ng iba. Matutuwa ako kung magiging successful siya balang araw.

Marilyn

 

Dear Marilyn,

Panginoong Diyos ang magpapala sa iyong busilak na puso. Umaasa akong matutunghan ni Miserable Teenager ang sulat mong ito para maki­pagtalastasan siya sa iyo. Kaso, walang ibinigay na address ang batang ito at umaasa lang ako na kung matunghan niya ang isyung ito ay sumulat siyang muli sa amin at ibibigay ko na lang ang iyong email address.

Inspirasyon ka rin sa iba pang makababasa ng pitak na ito. Very motivational ang iyong sulat at ipinakikita mo na kahit ano pa man ang kahirapan ng isang tao ay puwedeng malampasan ito sa pamamagitan ng paglapit sa Diyos at pagsisikap. God bless you.

Dr. Love

                 

AKO

DEAR MARILYN

DIYOS

DR. LOVE

HUWAG

KUNG

MISERABLE TEENAGER

PANGINOONG DIYOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with