^

Dr. Love

Sugar Mom?

-

Dear Dr. Love,

Dr. Love ngayon ko lang po sinubukang mag-email sa inyo. Matagal ko na po talaga gustong sumulat sa inyo pero ‘di ko pa alam dati kung paano gagawin yun. Tawagin niyo nalang po ako sa pangalang Maiden, 18 years old. May naging boyfriend po ako, si Jay, first boyfriend ko siya. Mahal na mahal po niya ako kasi po ginagawa­ niya ang lahat para sa akin at handa niya pa akong ipaglaban sa mga magulang niya.

Kaso po tumagal kami ng mahigit 1 year nang puro po ako yung sumasagot sa mga gastusin na ‘di po dapat ako yung gumastos. Pag may lakad po kami ako yung sinasabihan niya na magbayad ng pamasahe namin, sa pagkain din po na gusto niya at pagkatapos niya akong ihatid pauwi galing school sakin niya inaasa yung pamasahe niya dahil wala raw siyang pera. Naiintindihan ko naman po yun pero ‘di ba po parang masyadong sobra na. Nahahalata tuloy­ ng mga kaibigan ko na pera lang ang habol niya sakin. Ako din po yung pinaglo-load niya para magka-text kami palagi. Dahil dun gusto ko na po siyang hiwalayan­ pero nag-aantay pa ko ng tiyempo.

Noong January 2011 nang makita ko yung crush ko ng highschool, nagkakatext po kami hanggang sa unti-unti ko nang nagugustuhan yung taong yun, itago nalang po natin siya sa pangalang Ken. Naging mag-M.U po kami kaya nakipagbreak na ko kay Jay. Alam ko po na nasaktan ko siya ng sobra at ganun din naman po ako.

Ngayon po 5 months na yung relasyon namin ni Ken, pero mahal na mahal ko pa din po si Jay. Nagkikita pa din kami ng palihim ni Jay kahit­ pinagbawalan na ako ni Ken. May nililigawan po siya ngayon, ang masakit pa pareho kami ng pangalan ng babaeng yun. Ano po ba ang dapat kong gawin kasi pareho ko pong mahal talaga sina Jay at Ken. Maraming salamat po.

Maiden

 

Dear Maiden,

Huwag mo ngang niloloko ang sarili mo. Kunwa’y nakipag-break ka sa boyfriend mong ginagawa kang sugar mommy tapos nakiki­pag­kita ka nang pasikreto kahit may bago ka na.

Tama na sana ang ginawa mong pakikipag-break sa isang lalaking hindi ka na iginalang at ginawa kang palabigasan.

Pero kung mahal mo siya at handa kang mag­­paloko, bakit ka pa nakipag-break? Nasa sa iyo ang desisyon Maiden. Gumising ka.

Dr. Love

AKO

ALAM

ANO

DEAR MAIDEN

DR. LOVE

KAMI

NIYA

NOONG JANUARY

SHY

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with