Kaibigan ang hanap
Dear Dr. Love,
Greetings in the name of our Lord!
Tawagin mo na lang po akong si “Doms,” tubong Romblon, Romblon at 38 taong gulang.
Kasalukuyan akong nakapiit dahil nakapatay ako. Isa akong negosyante. Pauwi na sa Romblon habang nasa pier biglang may nanutok sa akin ng balisong at nang-hold up. Nabigla ako at mabilis na inilabas ang aking baril. Ipinutok ko ‘yun sa hold upper na namatay agad.
Sumuko sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. Sa kabila ng depensang ipinagtanggol ko lang ang sarili, natalo ako sa kaso at nahatulang mabilanggo. Nalalapit na rin ang aking paglaya.
Nagsosolong anak ako at napakalungkot ng aking buhay sa pagkakakulong ko. Nagkaroon pa ng mild stroke ang aking mama at hindi ko siya mabisita.Tanging ang aking tita na lang ang nag-aalaga sa kanya.
Dito sa loob, nagpasya akong ipagpatuloy ang aking pag-aaral. At sa awa ng Panginoon, nakatapos na ako ng tatlong kursong vocational at ngayon ay nagtuturo na sa vocational training center dito.
Sa ngayon po, nais kong magkaroon ng mga kaibigan sa panulat na may malawak na pang-unawa, walang bisyo at magsisilbing inspirasyon hanggang makalaya ako sa piitan.
Sana po, mapagbigyan ninyo ako.
Lubos na gumagalang,
Dominguito Maestre
4-C Student Dorm
YRC MSC
Camp Sampaguita
Muntinlupa City 1776
Dear Doms,
Batid ko na pinagsisisihan mo na ang nagawang pagkakamali. Ang dalangin ko ay tumanim nawa sa isipan mo ang bahaging ito ng iyong buhay para hindi na muling maulit pa. Panghawakan mo sana sa tuwina ang kahinahunan.
Naniniwala ako na darating ang kaibigan na ninanais mo. Good luck sa nalalapit mong paglaya.
Dr. Love
- Latest
- Trending