^

Dr. Love

Kinikilan

-
Dear Dr. Love,

Tanggapin mo po ang aking mataos na pangungumusta. 

Ako po ay isang bilanggo. Napatay ko ang isa sa tatlong lalaking humarang sa akin isang gabi habang papauwi mula sa pinapasukang pabrika at kinikilan ako para sa kanilang alak. Kahit P50 na lang ang natitira sa bulsa ko, ibinigay ko pa rin para makaiwas sa gulo. Pero ayaw nilang pumayag dahil pampulutan pa raw. Puwersahan nila akong kinapkapan at kinuha ang P10 kong pamasahe. Ang isa ay nagbunot pa ng patalim kaya nanlaban ako. Nauwi ito sa pagkakasaksak ko sa kanya na siya niyang ikanasawi.

Hinuli ako ng pulis. Hindi na po ako nangatuwiran sa korte dahil sa pulisya pa lang inamin ko na ang aking pagkakasala.

Nag-aaral po ako ngayon dito bilang paghahanda para sa muling pagsisimula sa aking buhay pagkalaya ko.

Ang isang pabor lang na nais kong hilingin sa inyo, ang magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat. Gusto kong maibsan ang kalungkutan at pagkainip na siyang unti-unting kumikitil sa nalalabi ko pang pag-asa sa buhay.

 Sana po, hindi ninyo ako biguin.

Maraming salamat po,

Pablo S. Cano

Student Dorm Cell 231

MSC Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Pablo,

Nakalulungkot na ang pagsisikap ng isang taong makapaghanap-buhay nang marangal ay mauuwi sa wala dahil sa pan­lalamang ng ibang tao.

Ang kamalian mo lang Pablo, paulit-ulit mong sinaksak ang salarin kaya ka nakulong. Sana’y binaldado mo na lang para siya ay mabuhay at pagdusahan ang kanyang kasalanan. Ikaw ngayon ang siya pang nagdurusa sa pagmamalabis ng iba.

Ang nagawa mong paglalagay ng batas sa iyong kamay ay ihingi mo ng tawad sa Diyos. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral diyan sa loob at huwag kang mainip, lalaya ka rin para muling makasama ang iyong pamilya.

DR. LOVE

AKO

CAMP SAMPAGUITA

CANO

DEAR PABLO

DIYOS

DR. LOVE

MUNTINLUPA CITY

PABLO S

SANA

STUDENT DORM CELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with