^

Dr. Love

Almost 50 and in love!

-

Dear Dr. Love,

Magandang umaga po, isa ako sa mga tagasubaybay ng PSN. Tawagin ninyo na lang po akong Aquarius Girl, hiwalay po ako sa naging ka-live-in simula pa noong 1999.

Hanggang ngayon ay wala pa akong naging boyfriend. Marami ang nagkakagusto sa akin sa edad ko po kasi na 49 ay bata pa raw akong tingnan at ‘di halata sa aking edad. Dahil maganda pa rin po naman ako, kaya lang wala po akong feelings sa kanila. Sa ngayon po kasi ay may nagugustuhan po ako na kasamahan ko sa trabaho.

Tawagin ninyo na lang po siyang Mr. Pisces 1964. Mahal na mahal ko siya pero ‘di ko alam kung ano ang damdamin niya sa akin. Nang malaman niya na may crush ako sa kanya, tahimik lang po siya. Ano po ang kapalaran naming dalawa? Hiwalay na rin po siya sa asawa at may asawa na rin po ang babae. May 3 po siyang anak at ‘yon ay nasa poder po niya ngayon. Salamat po.               

Aquarius 

Dear Aquarius Girl,

Hindi man lang siya nag-react nang malamang gusto mo siya? Mahirap na problema iyan. Baka wala siyang gusto sa iyo.

Kaibiganin mo siya pero huwag kang magpakita ng motibo at hindi mainam iyan para sa isang babae kahit sa gulang mong nalalapit na sa 50.

Kung hindi ka pa rin niya liligawan, kalimutan mo na lang siya. Medyo complicated ang kalagayan ninyo dahil parehong hiwalay. Sa kaso mo ka-live-in mo lang ang hiniwalayan mo at hindi problema iyan dahil considered single ka. Pero siya, baka kasal siya sa asawa niya at hindi pa annulled, may kahirapan iyan.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

AQUARIUS GIRL

DAHIL

DEAR AQUARIUS GIRL

DR. LOVE

LANG

MR. PISCES

SIYA

TAWAGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with