^

Dr. Love

Crush si Father

-

Dear Dr. Love,

Isang mainit na pagbati sa iyo at sa mga tagasubaybay ng Dr. Love.

Tawagin mo na lang akong Iris, 19 years old at isang college student.

Member ako ng choir sa aming church at maraming nanliligaw sa akin. Pero ni isa sa kanila ay hindi ko type dahil naghahanap ako ng isang lalaking mature at may paninindigan.

Ang problema ko ay may crush ako sa aming parish priest. Tawagin mo na lang siyang Fr. Brad.

Nakahalata yata siya dahil palagi akong nakatitig ng malagkit sa kanya.

Minsan kinausap niya ako ng sarilinan at sinabing nahahalata niya ang mga makabuluhan kong pagtitig sa kanya. Sabi niya, siya ay pari at nagmamakaawang kalimutan ko siya at ang pagkagusto ko sa kanya kung mayroon man akong pagtatangi sa kanya.

Nasaktan ako sa sinabi niya at mula noon ay hindi na ako sumali sa choir.

Hindi na rin ako nagsisimba sa aming parokya. Tama ba ang ginawa ko?

Iris

 

Dear Iris,

Ang isang pari ay may sinumpaang hindi mag-aasawa. Hindi man ako Katoliko, naniniwala ako na ang tao ay dapat tumupad sa kanyang sinumpaan.

Kahit hindi mapigilan ang emosyon ng isang babaeng gaya mo, hindi na ito dapat ipahalata dahil kung sumira ang isang pari sa kanyang sinumpaan dahil natukso, may kargo de konsensya ka.

Tama ang ginawa mong huwag na lang magsimba sa inyong parish para maiwasan mo siya.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DEAR IRIS

DR. LOVE

ISANG

KAHIT

KATOLIKO

MINSAN

TAMA

TAWAGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with