^

Dr. Love

Crush ang girlfriend ng kuya

-

Dear Dr. Love,

Isa pong masaganang pangungumusta sa inyo.

Itago mo na lang po ako sa bansag na Danny, 19 years old at kasalukuyang nasa ikatlong baytang sa kolehiyo.

Ang problema ko po ay may matinding crush ako sa girlfriend ng kuya ko, si Mina. Dalawang taon po ang tanda nila sa akin. Hindi ko po maintindihan sa sarili ko kung bakit sa girlfriend pa ng kuya ko, ako nagkakagusto.

Maganda si Mina, mabait at mahinhin. Tulad ng kuya ko, si Mina ay katatapos lamang ng kursong PT at kasalukuyang naghahanap ng trabaho. Hindi alam ng aking kuya na kursunada ko ang siyota niya at ito ay lihim na lihim lang.

Napalapit ang loob ko kay Mina dahil noon ay palagi siyang ipinasusundo sa akin ng kuya ko, sa kanyang paaralan kung mayroong bagyo at baha kung hindi siya masundo ng kapatid ko.

Palagi akong pinakakain muna ni Mina sa kanilang tahanan bago ako pauwiin sa aming bahay kapag sinusundo ko siya.

Kaya lagi ko siyang nakakakuwentuhan. Compa­tible kaming dalawa sa mga paboritong sports, music at maging pelikula.

Kaya enjoy ako kung kausap ko siya. Siya man daw ay ganoon din sa akin. Magaan daw ang loob niya sa akin dahil tulad ni kuya, guwapo ako at mapagkakatiwalaan.

Wala naman po akong balak na sulutin kay kuya si Mina pero nararamdaman kong nagseselos ako kung mayroon silang lakad na dalawa. Normal po ba na magkagusto ako sa nobya ng aking kapatid? Puwede ko po ba ipaalam ito kay Mina?

Hintay ko po ang kasagutan ninyo at maraming salamat.

Danny ng Makati City

Dear Danny,

Normal lang naman na magkaroon ka ng crush sa isang magandang babae lalo pa nga’t ika mo ay ideal girl mo siya. Tutal, hindi mo naman inaagawan ang kapatid mo. Ang masama, kung sinisiraan mo kay Mina ang kapatid mo para masulot ito at sa iyo mabaling ang pagtingin niya.

Huwag mo ring ipagkamali na may kursunada sa iyo ang girlfriend ng kuya mo dahil mabait kang kapatid at ang hindi magampanang pagsundo ng kuya mo sa girlfriend niya ay ipinagkakatiwala sa iyo.

Natutuwa lang siya sa iyo dahil masaya kang kausap at ang kawalan ng panahon ng kuya mo sa kanya ay ginagampanan mo dahil nga nirerespeto mo ang nakatatandang kapatid.

Huwag mo nang ipagtapat pa sa nobya ng kuya mo ang iyong pagkakagusto sa kanya para makaiwas ka sa problema.

Makakatagpo ka rin ng ibang babae na may katangiang tulad ni Mina o higit pa.

DR. LOVE   

AKO

COMPA

DALAWANG

DEAR DANNY

DR. LOVE

HUWAG

KAYA

KUYA

MAKATI CITY

MINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with