^

Dr. Love

Diyos ang bumago

-

Dear Dr. Love

Isa pong magandang araw sa inyo at sa lahat ng tumatangkilik ng pitak na ito. Sobrang nagpapasalamat po ako sa lahat ng magagan­dang payo ninyo na talagang ang tanging basehan ay ang Bibliya.

Gusto ko po kayong pasalamatan doon sa lahat ng mga bagay na naibabahagi ninyo. Katulad po ng iba, ako po ay bakla noon ngunit ngayon ay binago na ng Diyos. Hinihi­ling ko na lamang sa Kanya na pagkalooban niya ako ng babaeng magmamahal ng tapat sa akin.  

Nagme-meditate na rin po ako ng Bibliya at malapit ko nang matapos. Pero may buma­bagabag pa rin po sa puso ko. Tanong ko lang po kung masama ba ang ejaculation sa lalaki at sa mata ng Diyos imoral ba itong maituturing?

Salamat Dr. Love God bless!

Nagmamahal,

 Jake

Dear Jake,

Walang imposible sa Diyos. Ano mang hangad nating magbago, kung wala sa atin ang Diyos ay hindi magaganap.

Pero kung taimtim kang sumusuko at nagpapasakop sa Kanya sa ngalan ng Anak niyang si Jesus, ibibigay Niya ang pita ng iyong puso lalu pa’t ayon sa kalooban Niya.

Dati akong heavy smoker. That was over 30-years ago. Ano mang pagsisikap ay hindi ko maalis ang bisyo pero nang isuko ko ang sarili ko kay Jesu Cristo, isang iglap ay nawala ang pagnanasa kong manigarilyo.

Maraming sumusulat sa akin na mga bading at tomboy. ‘Yung iba’y hindi naiibigan kapag sinabi kong tutol ang Diyos sa ginagawa ng mga bakla at tomboy pero sila’y mahal Niya at ibig niyang magbago.

In your case, binabati kita dahil ang sinusunod mo ay ang kalooban ng Diyos.

Kung ang itinatanong mo naman ay kung masama ang nagsasariling sikap, ito lang ang masasabi ko. Ang sex ay inilalaan ng Diyos sa lalaki at babaeng nagmamahalan at ipinagtali ng kasal.

Ang sabi ng Diyos, kung hindi tayo makatiis sa ating pagnanasa, makabubuting kumuha tayo ng asawa imbes na manatiling single at nagkakasala naman.

Kung papaanong inalis ng Diyos ang iyong pagkabakla, alam kong sa panalangin ay ilalayo ka rin niya sa tukso.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

BIBLIYA

DEAR JAKE

DIYOS

DR. LOVE

DR. LOVE GOD

JESU CRISTO

KANYA

KUNG

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with