^

Dr. Love

Problemang Fil-Am

-

Dear Dr. Love,

Isa po akong Fil-Am na may 25 taon nang residente sa San Francisco, California. Sa minsan kong pagbabalik-bayan, nakabasa ako ng sikat ninyong pahayagan at nakita ko ang inyong  pitak.

Ang nais ko po ihingi ng payo ay ang problema ko sa aking anak na lalaki na nakipagrelasyon sa isang Kana na halos kalahati ang edad sa kanya, 28 anyos na gulang. May asawa po ang babae at tatlong anak pero idiniborsiyo niya ang asawang doktor para makapagsama sila ng aking anak sa iisang bubong. Maganda naman ang babae.

Halos himatayin sa galit at kahihiyan ang aking mister noon nang puntahan kami ng doktor na asawa ng babae  at pagsabihan kaming sawatahin ang anak namin sa pakikipagmabutihan sa kanyang asawa, alang-alang sa katahimikan ng kanilang pamilya.

Nang tawagang pansin namin ang aming anak, nagalit pa ito at sinabing mahal niya ang kanyang nobya at intensiyon niyang pakasalan ito.

Sa ngayon, nagsasama na sila ng babae.  Mahal ko po ang anak naming bunso pero may sakit sa puso ang aking asawa at ayaw kong ikamatay niya ang pagpipilit kong kilalananin na namin ang pagiging may asawa ng aming anak.

Payuhan mo po ako.

Thank you and regards,

Irma

 

Dear Irma,

Bilang mga magulang, tungkulin ninyong itama ang anak kung may maling hakbang o desisyon siya na maaari niyang pagsisihan sa dakong huli.

Pero dahil kayo ay nasa isang bansa na legal ang diborsiyo at ang isang anak na lampas na sa 18 anyos ay may sarili nang disposisyon sa buhay, hindi na kayo masisisi kung ang anak ninyo ay nagkamali sa pagpili ng kakasamahin sa buhay.

Pero huwag naman ninyong ganap na isara ang pinto ng reconciliation at bigyang puwang pa rin ang anak ninyo na makapag-isip pa kung talagang tama ang ginawa niya. Hindi natin maipipilit sa isang anak kung ano ang gusto natin at hindi sila madidiktahan kung saan nila nakikitang liligaya sila.

Dr. Love

ANAK

BILANG

DEAR IRMA

DR. LOVE

FIL-AM

IRMA

ISA

MAGANDA

PERO

SAN FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with