Dr. Love,
First time kong mapanood ang inyong webisode. Maganda ang mga pinapayo n’yo.
Itago n’yo na lamang ako sa pangalang Mildred. Ako po ay 36 anyos, dalaga at may nobyo. Nagkataon na nagkaroon ako ng pagkakataong makapagtrabaho sa abroad sa tulong ng aking pinsang ofw din.
Ako ay bread winner at tanging inaasahan ng aking mga magulang. Pagkakataon din ito upang mabayaran din namin ang aming mga utang. Mula nang mabalitaan ng aking nobyo ito ay parang nanlamig na siya sa akin. Dapat ko pa ba siyang mahalin o intindihin.
Naguguluhan ako. Please advise.
Thanks and more power.
Mildred
Dear Mildred,
Sa pagkaintindi ko sa iyo, nanlamig ang boyfriend mo dahil nalaman niyang tumutulong ka sa iyong mga magulang.
Heto lang ang sasabihin ko: Wala siyang kuwentang lalaki at baka kapag nakatuluyan mo siya ay rendahan ka niya.
Iyan ang payo ko base sa mga isiniwalat mo tungkol sa kanya. Pero dahil ikaw ang siyota niya, ikaw lang ang puwedeng mag-evaluate sa kanyang ugali.
Timbangin mo ang iyong damdamin at kung may nadarama ka mang pag-ibig, huwag lang puso ang pairalin kundi pati isip.
Dr. Love