^

Dr. Love

Salamat kay Willie

-

Dear Dr. Love,

Isang masaganang pangungumusta.

Wala po akong problemang idudulog, nais ko lang po ibahagi ang karanasan ko na sana ay magdulot ng aral sa inyong mga mambabasa.

Nasa 17 anyos pa lang ako noon, nag-aaral ng nursing. Sa boarding house ako ng tiyahin ni Willie tumutuloy kaya nagkakilala kami. Guwapo siya kaya nagka-crush ako sa kanya. Sa mga pag-aaya at pagpapa-charming ko sa kanya, alam ko na hindi kaila kay Willie ang feelings ko.

Pero nang siya naman ang magyaya, tinapat niya ako na kapatid lang ang turin niya sa akin at pinayuhan na maging masigasig sa aking pag-aaral. Sinabi rin niya na ‘yun na ang aming huling pagkikita.

Umiyak ako dahil sa hiya at sa pagkaunsiyami ng aking damdamin. Pero napagtanto ko na iminulat ako sa tama ni Willie. Na hindi maganda na babae ang magpakita ng motibo at pagkaagresibo pagda­ting sa usaping pang-puso. Na ang pakikipagkaibigan ng isang lalaki ay hindi dapat na ipagkamaling pag-ibig.

Hanggang dito na lang po at sana, mailathala po ninyo ito. Maraming salamat at may the good Lord continue to bless you.

Abby

Dear Abby,

Mapalad ka sa pagkakatagpo sa isang mabait at hindi mapagsamantalang kaibigan. Hanga rin ang pitak na ito sa ginawa mong pagtanggap sa kabiguan sa unang pag-ibig. Dalangin namin ang ganap na kaligayahan para sa iyo.

Dr. Love       

AKO

DALANGIN

DEAR ABBY

DR. LOVE

GUWAPO

HANGA

HANGGANG

ISANG

MAPALAD

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with