^

Dr. Love

Hayok sa laman

-

Dear Dr. Love,

Ikubli mo na lang ako sa pangalang Mo­desta, isang ginang na namumroblema sa asawa. Mayroon na kaming apat na anak.

Masyadong mahilig sa babae ang mister ko. Kahit bayaran ay pumapatol siya.

Tatlong taon na ang nakararaan ay nagkaroon ako ng urinary track infection (UTI) at nalaman ko sa doktor na nahawahan ako ng sakit sa babae ng mister ko.

Nag-away kami noon pero nang humingi siya ng tawad at nangakong magbabago ay pinagbigyan ko siya.

Dalawang beses kaming nagkaroon ng katulong at ang mga ito’y pawang nakarelasyon niya. ‘Yung pangatlo ay hindi pumatol at nagsumbong sa akin na gusto siyang molestiyahin ng asawa ko.

Madalas kaming mag-away dahil sa sobrang pambababae niya. Nag-away uli kami at nang humingi siya ng tawad ay pinatawad ko siya uli.

May kabit siya na kahati pa ng pamilya ko sa kanyang maliit na suweldo. Sagad na sagad na ako Dr. Love.

Dapat ko na bang hiwalayan ang ganitong klase ng lalaki, Dr. Love?

Modesta

Dear Modesta,

May psychological disorder ang asawa mo na kailangan ng professional help. Pero dapat makipagtulungan siya kung ibig niyang ma­hango sa problemang iyan na isang uri ng ka­ram­daman sa isip. Pero hindi ko matiyak kung papayag siyang kumunsulta sa isang psychologist o psychiatrist.

Kasi, dapat muna niyang maamin sa sarili na siya ang numero unong problema sa kanyang pamilya at kung mahal niya ang kanyang pamilya ay walang dahilan para tumanggi siyang­ magpatingin.

Ang kondisyon ng mister mo ay isa ring matibay na ground para makapaghain ka ng marital annulment. Kaya lang, bago ka maki­paghiwalay ay tangkain mo munang maisalba ang inyong relasyon alang-alang sa inyong mga anak.

Dr. Love

vuukle comment

DALAWANG

DAPAT

DEAR MODESTA

DR. LOVE

IKUBLI

KAHIT

KASI

KAYA

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with