^

Dr. Love

Naguguluhan sa kasarian

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Mr. Astig. Iyan ang tingin ng marami sa akin lalo na ‘yung mga babaeng attracted sa akin. Hindi nila alam, naguguluhan ako sa kasarian ko.

Minsan na akong nabarkada sa mga bading pero lumayo ako dahil ayokong matawag na “gay.”

Hindi ako mapagkakamaliang bading dahil sa kilos at pananamit ko. Nagkaroon na ako ng girlfriend, may mga naka-sex na rin na prostitute pero sa Middle East ko naranasan na makipagtalik sa lalaki. Mga Arabo at Sri Lankan.               

Nasa Maynila na ako ngayon. Attracted pa rin ako sa lalaki pero hindi sa pagnanasa sa laman o makipagrelasyon, gusto ko lang silang tingnan. Tapos nakakaramdam ako ng pagkainggit dahil kahit kailan hindi ko naranasan ang maging totoong lalaki.

Naaakit din ako sa babae pero sa tawag lang ng laman. Kung may feelings kapiraso lang. Mahirap ang kalagayan ko. Kung minsan naiisip kong magpakamatay dahil hindi ako makapamuhay ng normal.

Sana’y pagpayuhan mo ako.

Mr. Astig

Dear Mr. Astig,

Hindi ka 100 percent gay kundi isang “silahis.” What you feel is a psychological disorder na maaaring ma­ngailangan ng professional counseling ng psychologist, better kung Christian counselor para maipaliwanag sa iyo ang hiwaga ng nararanasan mo.

Meditate on the Word of God at manalangin lagi. Diyos lang ang makakapagpabago sa iyo. Marami akong kakilalang former gays at lesbians na nabago ng Salita ng Diyos. Lagi kang sumunod sa tinig ng konsensya dahil lagi itong tama.

Dr. Love

AKO

DIYOS

DR. LOVE

MGA ARABO

MIDDLE EAST

MR. ASTIG

NASA MAYNILA

SRI LANKAN

WORD OF GOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with