^

Dr. Love

Kumukupas din ang pag-ibig

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang po akong si Geli, 28 taong gulang. Panganay ako sa tatlong magkakapatid, nakatapos ng kolehiyo sa masigasig na pagtataguyod ng aking mga magulang. Kaya naman inako ko ang obligasyon ng pagtataguyod sa pag-aaral ng sumunod sa akin bilang pasasalamat sa aking mga magulang.

Nagtatrabaho na ako sa bangko nang magkaroon ng boyfriend, umuwi siya dito sa ‘Pinas at sumama ako sa kanya na magtanan. Dito ko natuklasan na waiter siya sa abroad at gaya ko ay inaasahan din siya ng kanyang pamilya sa pagpapa-aral sa mga kapatid niya. 

Kaya naman dama ko na hindi pabor ang kanyang pamilya nang ipakilala na ako ni Danny sa kanila. Na-guilty ako sa ginawa ko. Kaya nagpasya akong umuwi at humingi ng tawag sa aking mga magulang. Humingi rin ako ng isa pang tsansa sa aking boss at tinanggap akong muli sa trabaho.

Malapit nang makatapos ang aking kapatid ngayon, nakakabayad na rin kami sa bangko sa pagkakasanla ng bahay at lote namin. May komunikasyon pa rin kami ni Danny pero hindi ko na makapa sa sarili ngayon na iiyak ako sakaling makipagkalas sa kanya. Tulungan po ninyo akong magdesisyon, Dr. Love. Kailangan ko na bang putulin ang lahat sa amin ni Danny?

Maraming salamat po.

Ang inyong tagahanga,

Geli

 

Dear Geli,

Kahit nagkamali ka noong una, nagawa mo namang maitama ang direksiyon ng buhay mo para matupad ang isang obligasyon sa pamilya. Nasa iyo ang pagpapasya kung dapat mo nang kalimutan si Danny.  Kung wala ka nang nararamdaman sa kanya, tapatin mo na siya at humanap ka na lang ng iba na inaakala mong higit na makapagpapaligaya sa iyo. Ang pag-ibig malimit ay kumukupas kung hindi naaalagaan.

Dr. Love

AKO

DEAR GELI

DITO

DR. LOVE

GELI

HUMINGI

KAHIT

KAILANGAN

KAYA

MALAPIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with