^

Dr. Love

Makakatulong ang pananahi

-

Sally, June 5, 1977 Dapat po ba ako mag-apply abroad? Kung oo, kailan at saan ako magandang pumunta o magnegosyo na lang? Balak ko kasi mag-aral manahi. Ang asawa ko po na si Jam, March 11, 1978; makakalipat ba siya ng ibang trabaho, kailan? Puro utang po kasi kami at halos 1 taon na hindi nakakabayad sa bahay. Dapat na ba namin i-give up ‘to at lumipat na lang ng ibang bahay? ‘Yung anak ko si Miko, masuwerte po ba siya at dapat ko na ba talagang ilipat siya ng ibang school o mag-stay na lang sa dati? Hintayin ko po sagot n’yo… salamat.

Maaari ka mag-apply abroad. Makakatulong kung matututo manahi. Dapat siya lumipat ng trabaho. Mas makakabuti na lumipat kayo ng bahay.Magiging maswerte naman kayo pati anak ninyo.

Y. Cruz, September 1, 1950 Paki-discern po ang tungkol sa mga anak ko. Makakapag-abroad ba ako? Gaganda ba ang buhay namin? Ang anak ko na si Vicente Heras, 9/3/1971; ma­ka­kabalik pa ba siya sa abroad at kung ma­kakapiling n’yang muli ang mga anak n’ya. Si Michael Cruz, 7/7/1976; kung makakatuluyan n’ya ang kasalukuyang nobya at si Maribeth Cruz, 8/23/1974; makakapagtrabaho ba siya sa ibang bansa ngayong taon at makakapag-asawa ba s’ya, anong lahi?

Makakaalis pa po kayo. Si Vicente ay ikakasal sa kanyang girlfriend. May posibilidad na makaalis siya pero ‘di ko makita. Makakapiling niya ang anak niya. Maswerte ang anak ninyo ngayong taon.

Ben, Nov. 16, 1962 Ang asawa ko naman ay Oct. 4, 1963. May anak po kami na nasa kolehiyo, graduating ngayong April, Physical Therapy ang kurso niya. Makakapangibang bansa po ba ang aking anak sa darating na panahon? Makapagtatapos rin ba ang aking bunsong anak sa kolehiyo? Ano po kaya ang nababagay na negosyo naming mag-asawa sa sandaling meron na kaming puhunan? Marami na rin po kasi kaming pinasok na maliit na negosyo subalit ‘di po kami nagtagumpay.?

Makakapunta ang anak ninyo sa ibang bansa at swerte siya doon. Makakatapos ng pag-aaral ang inyong bunso. Huwag muna kayo magnegosyo.

August Girl, August 12, 1970 Ako po ay dalaga hanggang ngayon, makapag-aasawa pa ba ako? Nagpahiwatig ang aking dating karelasyon na ipinanganak noong October 23, 1969 na nais n’ya akong makita at masaya s’ya dahil pagkatapos ng 8 taon ay nalaman n’ya kung nasaan ako.

Hindi ko alam ang balakin ng lalaking ito sapagkat sinasabi n’ya na s’ya ay binata pa. Ibig n’yang manirahan ng permanente sa ibang bansa. May bahid ba ng pagkaseryoso ang layunin ng lalaking ito? Nabalitaan ko rin na may anak s’ya sa pagkabinata at ako ay may agam-agam, ito po ba ay bulung-bulungan lang o pawang katotohanan? Mayroon po akong minahal mga 5 taon na ang nakaraan, ipinanganak siya noong June 8, 1954. Malaki ang agwat ng aming edad at estado sa buhay. Minsan niyang sinabi na ang kapalaran niya ay isang Haponesa. Nag-asawa na po ba siya? May nakatakda po ba sa akin? Siya ba ay Pilipino o banyaga? Nais ‘kong pumasok sa internet marketing business, mapagtatagumpayan ko ba ito? Makakakuha po ba ako ng US Visa? Ninanais ko po mag-apply ngunit salat pa po ako sa pananalapi.

Ikakasal ka pa. Isa siyang Pilipino. ‘Yung lalaking ipinanganak 1969 ay hindi bagay sa iyo. Si 1954 ay nag-asawa na. May posibilidad na makakuha ka ng U.S. visa.

AKO

ANAK

AUGUST GIRL

DAPAT

MARIBETH CRUZ

PHYSICAL THERAPY

PILIPINO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with