^

Dr. Love

Madrasta

-

Dear Dr. Love,

Masaganang pangungumusta po.

Ang akala ko noon, magpapakatandang dalaga na ako. Nabigo kasi ako sa pag-ibig at ayaw na sanang magtiwala sa mga binatang nanliligaw sa akin. Pero nang pumanaw na aking mga magulang at nagkaroon na ng kani-kanilang pamilya ang aking mga kapatid, 45-anyos na ako noon nang makaramdam ako ng lungkot sa pag-iisa. Kaya’t nang may manligaw sa akin na limang taon ang katandaan sa akin, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Balo si Leonardo at may tatlong anak.

Late na nang mag-asawa si Leonie at namatay sa panganganak ang misis niya.

Wala sana akong problema sa mga bata na may edad 15, 13 at 7, dahil mababait sila kundi lang sa kanilang lola na lumalason sa isip nila. Ipinamumukha nito na kakumpitensiya ako sa pagmamahal ng kanilang ama at ako ang dahilan para makalimutan ng kanilang ama ang yumao nilang ina.

Nauunawaan ko rin ang matanda na nangangambang itigil ng aking asawa ang sustento sa kanya. Pero ako mismo ang nagmungkahi kay Leonie na huwag itong ihinto. Sa kabila ng lahat, pinipigilan ko ang aking sarili na magsumbong sa aking asawa tungkol sa hindi magandang ginagawa ng kanyang dating biyenan na nakakaapekto sa asal ng mga bata. Napamahal na po kasi silang lahat sa akin.

Dapat po ba akong magsumbong sa asawa ko?  Hihintay ko po ang inyong payo. Maraming salamat  sa tulong ninyo.

Sumasainyo,

Alicia

Dear Alicia,

 Maraming salamat sa liham mo. Hindi masama na hingin mo ang tulong ng asawa para maipaliwanag sa mga bata na ang kanyang pag-aasawa muli ay hindi nangangahulugan na kinalimutan  na niya ang kanilang ina.

Sikapin mo ring huwag kaligtaan ang mga okasyong dapat gunitain ng pamilya lalo na ng mga bata ang kaugnay sa kanilang namayapang ina.  Doblihin mo rin ang pang-unawa at pag-aaruga sa mga bata, higit sa lahat huwag mo ipakita sa kanila na naiinis ka sa pakikialam ng kanilang lola.

Makikita rin ng mga bata na mali ang bintang ng kanilang lola sa iyo. Insecure lang ang matanda kaya itinuturing ka niyang kaaway lalo na kung sa iyo mababaling ang pagmamahal ng kanyang mga apo.

Dr. Love

AKO

ALICIA

DEAR ALICIA

DR. LOVE

KANILANG

LEONIE

MARAMING

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with