^

Dr. Love

Dakila ang magpatawad

-

Dear Dr. Love

Gusto ko lamang pong isangguni sa inyo ang problemang dinadala ko tungkol sa nangyayari sa amin ng aking asawa. Nalaman ko na may kinakasama siya sa Saudi at dalawa pa ito. Nasa Saudi rin po ako ngayon at nakakapagbakasyon every two year sa Pinas.

Nakumpirma ko ang tungkol dito sa naging kasamahan ng misis ko. Humingi na siya ng tawad tungkol dito. Pero bilang lalaki ay napa­kasakit po talagang tanggapin, kundi lang sa aming tatlong mga anak.

Bagaman 2006 pa nang mangyari ito, nananariwa pa rin sa akin ang sakit ng kalooban. Hindi ko rin maalis na magduda sa tuwing aalis siya, na maaaring may iba na naman siyang katagpuan o karelasyon.

Kung tutuusin Dr. Love, pwede ko rin ghawin ang ginawa niya para makaganti sa sakit na naidulot nito sa akin. Pero hindi ko po kaya dahil mahal ko ang aking asawa.

Sa ngayon po ay matatapos na ang aking pangalawang kontrata na pang apat na taon at balak ko nang umuwi na sa Pinas at bumalik na lamang muli kung may pagkakataon pa.

Salamat po at sana’y matulungan ninyo ako sa mga nararamdaman ko na alam kong ‘di tama... MABUHAY po kayo!

Gumagalang,

Ronald

Dear Ronald,

Hindi puwedeng ituwid ang isang pagkakamali ng isa pang mali. Kung seryosong humihingi ng tawad sa iyo ang misis mo, patawarin mo siya dahil ang pagpapatawad ay isang daki­lang­ bagay na magagawa ng taong may pana­nalig sa Diyos.

Ang nangyari sa misis mo ay matatawag kong disadvantage ng mga mag-asawang pan­samantalang naghihiwalay dahil kailangang mag-abroad.

Naniniwala ako na nagawa lang niya yaon dahil nasa gipit siyang kalagayan. Hindi siya pinasahod ng una niyang amo kaya humanap siya ng taong makatutulong sa kanya habang walang ibang sasaklolo sa kanya sa isang malayong lugar.

Masaklap na katotohanan na kapos ang ating bansa sa trabaho at kailangan pang mag­hanap ng kabuhayan ang mga kababayan natin sa ibang bansa, disin sana’y walang mga nawawasak na pamilya.

Dr. Love

BAGAMAN

DEAR RONALD

DIYOS

DR. LOVE

GUMAGALANG

HUMINGI

MASAKLAP

NAKUMPIRMA

NASA SAUDI

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with