Naglahong 'email love affair!'

Dear Dr. Love,

Isang mapagpalang araw po sa inyo.

Just call me Mai. Minsan n’yo na pong tinugon ang sulat ko kung saan nailathala ang aking email address. Marami ang nag-respond, isa dito ang nag-standout. Tawagin na lang natin siyang Mr. M.

For almost a week na nagpapalitan kami ng e-mails at masasabi ko po na nahulog talaga ang loob ko sa kanya. Bukod pa dito ang pagpapalitan ng text messages. Akala ko po ay wala nang katapusan ang lahat.

Hanggang isang araw, nagulat na lang po ako dahil ni isang -email, wala na akong natanggap. I tried to contact him, pero wala po talaga. Lumipas pa ang mga araw ng pag-aantay, pero ni-isang message, wala na po talaga akong natanggap. Masakit po sa akin ‘yun, kasi kahit sa maiksing panahon lang na nakilala ko siya, nahulog na po talaga ang loob ko.

Hanggang dito na lang po, Dr. Love. Sana, mabasa niyang muli ang letter ko na ito. Nasaan ka man ngayon, sana malaman mong minahal talaga kita at hindi ka lang panakip-butas.

Maraming salamat po. 

Nagpapasalamat, 

Mai

Dear Mai,

Marahil may mabigat siyang dahilan kung kaya biglaan ang pagkaputol ng inyong komunikasyon. Kung ano man iyon, hindi natin alam. Ipanalangin mo na lang na kung nasaan man siya ay sana nasa mabuti siyang kalagayan.

Huwag mong hayaan na tumigil ang mundo mo dahil sa nangyaring ito. Palawakin mo pa ang iyong pakikipagkaibigan. Natitiyak ko na ma­rami ka pang makikilala na gaya mo ay magpapahalaga sa iniuukol mong atensiyon.

Dr. Love

Show comments