^

Dr. Love

Rosemarie Blue

-

Dear Dr.Love,

Isang mapagpalang araw po sa inyo. Ako po ay isang OFW sa Singapore, hiwalay sa asawa at may isang anak. Iresponsable ang asawa, babaero­ at sugarol. Mag-isa ‘kong pinasan ang responsi­bilidad sa aming anak.

Nang matuto akong mag-facebook, natagpuan ko ang crush ko sa pagkabata. Nasa Saudi po siya at hiwalay din sa asawa. Araw-araw kaming nag-cha-chat, nagkakahingahan ng mga problema sa buhay hanggang magkaibigan. Lumalim pa ang aming relasyon. Gusto na naming magpakasal pero pareho kaming kasal. Ano po ba ang aming dapat gawin? Paano po ba ang proseso ng annulment, gaano po ba ‘yun katagal at magkano po ba ang magagastos doon? Wala po kaming malaking pera, meron po bang abogado kaming malalapitan na ‘di kami sisingilin ng malaki?

Maraming salamat po Dr. Love. Sana po ay masagot n’yo agad ang mga katanungan ko. God bless po at more power sa Dr. Love.

Nagpapasalamat,

Rosemarie Blue

Singapore

Dear Rosemarie Blue,

Totoong magastos at masalimuot ang proseso ng marital annulment. Kailangang patunayan mo na may batayan para pawalang bisa ang inyong kasal. Ang ilan sa alam kong grounds sa annulment ay ang kataksilan ng sino man sa mag-asawa – babae o lalaki. Kung totoo ang sinasabi mong babaero ang mister mo, isang ground iyan na dapat ma-establish.Ganito rin ang dapat gawin ng boyfriend mo. Hindi ako abogado pero ang maipapayo ko, sumangguni kayo sa lawyer na higit na nakakaalam nito.

Nais kong ulitin ang stand ko na batay sa Salita ng Diyos: Hindi dapat papaghiwalayin nino man ang ipinagtali ng Diyos. Pero malinaw din na isinaasad ang isang dahilan para maging balido ito sa mata ng Diyos ito ay kung may pagtataksil. Gayunman­, ito’y applicable lamang sa kalalakihan at walang malinaw na pagtukoy sa kababaihan.

Ang sabi ng Panginoong JesuCristo sa Matthew­ 5:32: “Anyone who divorces his wife for any reason other than unfaithfulness is committing a sin if he marries again.”

Consult with your conscience because it is God’s voice within you. Mag-pray and meditate ka tungkol sa problema mo and God will light up your way.

Dr. Love

ANO

ARAW

DEAR ROSEMARIE BLUE

DIYOS

DR. LOVE

GANITO

GAYUNMAN

IRESPONSABLE

NASA SAUDI

ROSEMARIE BLUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with