^

Dr. Love

Walang budhing asawa

-

Dear Dr. Love,

Kamusta! Sana nasa mabuti kayong kalagayan. Tawagin mo na lang akong Michelle, 39 years old. Wala po akong trabaho. Problema ko ang aking asawa na Hapon. Dahil hindi na po siya nagpapadala ng sustento sa aking tatlong anak. Hindi ko po sila kayang buhayin. Tuwing tumatawag ako sa kanya ay lagi siyang naga­galit. Kasal naman kami. Minsan naiisip ko na magpakamatay pero sabi ng mga kamag-anak ko, kawawa po sila kung magsu-suicide ako. Dr. Love, tulungan n’yo ho ako. Hindi ko na ho kayang lampasan ‘tong problema ko. Paano na po kaya ang buhay ko?

Michelle

Dear Michelle,

Alam mo Michelle, bagamat may mga mapapalad na nakapag-asawa ng matinong foreigner, mayroon din na hindi nakararanas ng mabuting kapalaran. Nakakalungkot pero isa ka na roon.

Gaano mo kilala ang iyong asawang Ha­pones, saan at paano mo siya nakilala?

Marami kasing mga dayuhan ang nag-a­asawa ng Pinay for convenience. Posibleng may personal motive sila kung kaya kumukuha ng Pilipinang asawa na tuluyan nilang inaabandona kapag nakuha na nila ang kanilang gusto.

Nakalulungkot mang isipin, may mga dayuhang katulad ng napangasawa mo na walang budhi­ at ni-hindi inaalala ang kanyang mga anak sa iyo. Hindi dahilan iyan para patayin mo ang iyong sarili. Kapag ginawa mo iyan, paano na ang iyong mga anak? Pilitin mong makahanap ng trabaho­ at itaguyod mo sila bilang single parent.

Tungkol sa asawa mo, may pananagutan siya sa iyo at iyan ay isang legal matter na puwede mong ikonsulta sa isang abogado.

Dr. Love

ALAM

DAHIL

DEAR MICHELLE

DR. LOVE

GAANO

HAPON

KAMUSTA

KAPAG

MICHELLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with