^

Dr. Love

Alaga ng bading ang mister

-

Dear Dr. Love,

Nais ko pong isangguni ang isang personal na problema na malubha nang nakakaapekto sa aking isipan. Watch full video

Itago mo na lang ako sa pangalang Nini, nakatira ako ngayon sa aking mga magulang kasama ang dalawa kong anak. Nasa Maynila naman ang mister ko, kung may trabaho siya o wala hindi ko na alam.

Nagbago ang pakikitungo namin sa isa’t isa nang matuklasan ko na nakatira siya sa apartment at inaalagaan ng isang bading.

Mahigit isang taon na ang nakakalipas mula nang lumayo ang asawa ko. Hindi ko na alam ang estado ng relasyon namin. Hindi ko naman matanggap at kayang gastusin ang pera na ipinapadala niya, na mula sa bading. 

Hindi ko rin maaatim na makisama uli sa asawa ko na may kahati ako sa kanyang pagmamahal na isang bading.

Maraming salamat po sa inyong pagbibigay-daan sa liham ko at hangad ko ang patuloy pang paglawig ng pitak na ito.

Gumagalang,

Nini

Negros Oriental

 

Dear Nini,

Ang pangyayaring ayaw nang bumalik sa piling ninyo ang iyong asawa ay tanda lamang na mas ninais niyang pakisamahan ang bading na tagapag-alaga niya. Marahil hindi niya ka­yang pakawalan ang naibibigay nito sa kanyang ginhawa. Dahil hindi na nga naman siya obligadong magtrabaho at nabibili niya ang gusto niya kapalit ng pakikisama sa bading.

Nasa iyo ang pagpapasya kung magpapatuloy pa ang inyong kasalukuyang estado bilang mag-asawa.

Sana, sabihin mo na ang sitwasyon sa iyong mga biyenan at mga magulang mo. Maaaring matulungan ka nila para makumbinsi ang asawa mo na humiwalay na sa kanyang tagapag-alagang bading. At para hindi ka nila masisi kung balang araw, naisin mo rin na maghanap ng ibang makakatuwang sa buhay.

Dr. Love

 

Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Mag-email sa [email protected]. Maaari nang ma­panood ang pagpapayo ni Dr. Love, bisitahin ang DR. LOVE WEBISODE sa philstar.com)

DEAR NINI

DR. LOVE

LIBANGAN SECTION

NASA MAYNILA

NEGROS ORIENTAL

NINI

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with