Ipinagpalit sa kabaro

Dear Dr. Love,

Masaganang pagbati at pangungumusta!

Ako po si Bobby, 29 taong gulang, isang empleyado ng multi-national company bilang me­dical­ representative.

Ang problema ko po Dr. Love, hanggang nga­yon ay hindi ko matanggap na ipinagpalit ako ng babaeng pakakasalan ko sa kapwa niya babae.

Malapit na kaming ikasal noon ni Cara, nabi­bilang siya sa mariwasang pamilya. Kaya nang makaipon ng sapat ay saka ako nagbalak na ma­manhikan sa kanyang mga magulang. Pero mariin siyang tumanggi na pakasal.

Humingi siya ng tawad at pang-unawa sa akin dahil mayroon na raw siyang ibang mina­mahal, si Jennifer at magsasama na raw sila anuman ang maging consequence.

Nang magpaalam si Cara sa akin, sinabi niyang nais niyang manatili ang aming pagi­ging malapit na magkaibigan. Pero hindi ko iyon ma­tanggap. Hindi ko matanggap na dinaya niya ako. Tama lang ba ang ginawa ko?

Maraming salamat po at more power.

Yours sincerely,

Bobby

Dear Bobby,

Masakit tanggapin ang nangyari sa iyong pag-ibig. Pero bagaman sa palagay mo ay nadaya ka ng dating nobya. Inamin pa rin niya sayo ang lahat, lalo na ang tungkol sa kanyang pagiging lesbian.

Lalo kang magsisisi kung nagpakasal nga kayo pero sa dakong huli, lalabas din ang reya­lidad. For old times sake, ituring mo pa ring kaibigan si Cara. Pero kung hindi ka kumportable na maging malapit pa kayo sa isa’t isa, huwag mo nang ipilit.

Go out and look for your own true love.

Dr. Love

Show comments