^

Dr. Love

Pagpaparaya sa minamahal

-

Dear Dr. Love,

Isa po akong bilanggo, Nakulong ako nang makapatay dahil sa pagtatanggol ko sa aking girlfriend. Pero wala akong pinagsisisihan dahil tinumbasan naman ito ni Chato.

Lagi niya akong binibisita na nagresulta sa pagbubuntis niya. Nang manganak siya sa du­malang ang aming pagkikita hanggang tuluyang naputol ang aming komunikasyon.

Nabigyang-linaw lamang ang lahat nang ihatid ng aking kapatid sa kulungan ang liham ni Chato. Tinapos na niya ang aming relasyon at sumama sa isang dayuhan tangay ang aming­ anak.

Hindi ko mapigil ang maiyak sa mala­king pag­daramdam. Pero ano nga ba ang aking magagawa? Mahal ko pa si Chato sa kabila ng lahat. Sana maging maligaya sila.  Balang araw, kung loloobin ng tadhana, nais kong ma­kita at makilala ang anak namin.

Sana’y huwag kayong magsasawa sa mga taong­ nagdudulog sa inyo ng problema, Dr. Love.

Gumagalang,

Delfin Gonzaga

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

 

Dear Delfin,

Salamat sa liham mo. Mabuti naman kahit sa kabila ng kapaitang sinapit mo dahil sa naging desisyon ng asawa mo ay natanggap mo ang lahat. Malilimot mo rin ang sakit at makakatagpo ng tapat na magmamahal sa iyo. Magpakabuti ka riyan at ibaon sa isip ang leksiyon ng kara­nasan mo na ito sa pag-ibig. God bless you.

Dr. Love

vuukle comment

BALANG

CAMP SAMPAGUITA

CHATO

DEAR DELFIN

DELFIN GONZAGA

DR. LOVE

MUNTINLUPA CITY

PERO

SANA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with