Dear Dr. Love,
Please receive my utmost regards and prayer that your column will continue to help and touch the hearts of your numerous fans.
Ako po si Johnny, isang bilanggo sa pambansang piitan, lumiham po ako dahil nais kong maihinga ang sama ng aking loob sa dati kong nobya na siyang dahilan kung bakit ako nagsisilbi ng sentensiya dito sa bilangguan.
Nakapatay ako dahilan sa pagdepensa ko sa kanya nang may tatlong kalalakihan na humarang sa amin. Kargado ng balisong ang isa na agad kong naagaw at siyang isinaksak sa kanya. Iniwan ako ng aking nobya nang mga sandaling ‘yon at dahil sa takot na madamay…hindi rin siya tumestigo na self defense ang nangyari kaya nadiin ako sa kasong homicide.
Napakasakit, balatkayo lang pala ang sinasabi niyang mahal niya ako. Huli man ang pagkakatanto ko sa reyalidad, wala na akong magawa.
Ano kaya kung hindi ako nanlaban? Nakaligtas kaya ang aking nobya at ano naman kaya ang nangyari sa akin?
Maraming salamat po sa pagbibigay daan ninyo sa liham kong ito at more power to you. Sana, mabasa ito ni Rosy, pangalan ng nobya ko para malaman niyang dinamdam ko ng labis ang ginawa niya.
Gumagalang,
Johnny
Bldg, 2 Dorm 213
Medium Security Compound
Camp Sampaguita
Muntinlupa City 1776
Dear Johnny,
Salamat sa liham mo at sana, mapatawad mo na ang dating nobya. Ang karanasan mong ito ay ituring mo na lang na isang uri ng maraming pagsubok na dumarating sa buhay ng isang tao.
Sana ang pagiging mahinahon kahit sa panahon na hindi inaasahang pangyayari ang laging mangibabaw sayo sa tuwina para makaiwas sa mas malaking problema.
Makakatagpo ka rin ng ibang babae na hindi huwad ang pagmamahal.
Dr. Love