^

Dr. Love

Naghahanap ng atensyon

-

Dear Dr. Love,

Magandang araw po. Watch full video

Nasa early 30’s na ako, isang bisexual. Masakit pero talagang andyan ang diskriminasyon. Mula bata pa ay salat na ako sa atensiyon ng mga magulang. Puro kalupitan ang inaabot namin sa aming madrasta. Kaya ikinatuwa ko pa nang tuluyan nila kaming abandonahin.

Akala ko walang epekto ang kawalan ng atensiyon na ito sa akin, hanggang sa mahumaling na ako sa mga bisyo. Kahit pansamantala lang, nakatulong din dahil may nakinig sa wakas sa aking saloobin.

Mas okey na ako ngayon kaysa dati. Pero umaasa pa rin ako na dumating ang panahon na mai-open ko sa tatay ko ang saloobin ko. Gusto   ko po sanang magkaroon ng mga kaibigan.

Maraming salamat po.

Ricky

[email protected]

Dear Ricky,

Sa edad mong 30 anyos, dapat ay nahubog na ng iyong masasaklap na karanasan ang iyong character. Kung minsan, ang mga matitinding pagsubok sa buhay ay may maganda ring layunin para tayo tumatag sa ating buhay. Sabi nga ng Bible: “All things work together for good to those who love God and who are called according to His purpose.”

Huwag mong hayaan na ang mga dinaranas mong pagsubok ay maging dahilan para ilulong ang sarili sa masamang bisyo na kapag nawala na ang epekto, hindi pa rin nawawala ang suliranin.

Magbulay ka sa Salita ng Diyos. Maniwala ka na si Cristo ay ganap na magpapabago sa iyo. “Anyone who is in Christ is a new creation. The old things have passed away, the new things have come.”

Dr. Love

CRISTO

DEAR RICKY

DIYOS

DR. LOVE

HUWAG

KAHIT

KAYA

MAGANDANG

MAGBULAY

MANIWALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with