Lesbian relationship
Dear Dr. Love,
Magandang araw po. Tawagin n’yo na lang po ninyo ako sa pangalang Jena. Isa po akong estudyante sa kasalukuyan. Nagkaroon na po ako ng maraming relasyon noon pero lahat po ‘yun ay hindi tumatagal.
Katunayan po ay 3 buwan na ang pinakamatagal na relasyong napasukan ko. Iba’t iba po ang mga dahilan.
Sa ngayon naman po ay nasa isang relasyon ako na ikinakahiya ng lipunan. Dahil sa kapwa ko po babae ako umiibig. Mahal po namin ang isa’t isa.
Noong una po ay nasasabi ko na kaya ko siyang panindigan sa pamilya ko pero ‘di rin nagtagal ay pinanghinaan na ko.
Napagdesisyonan kong maging magkaibigan na lang kami. Nahihirapan po kami pareho dahil kahit anong tago namin sa feelings namin ay ‘di namin magawa.
Payuhan n’yo po sana ako. Salamat po.
Jena
Dear Jena,
Huwag mong ipagkamali ang sexual attraction sa tunay na pag-ibig. Walang lesbian relations na panghabambuhay. Katulad din ng man to man relationship, hindi maaaring magkaroon ng biological children ang taong pareho ang kasarian.
Marahil, sa ngayon ay happy kayong pareho sa piling ng bawat isa. Pero paano kung dumating ang araw na umibig ka sa isang lalaki? Paano kung maisipan mo one day na magkaroon ng sariling anak na nagmula sa iyong sinapupunan?
Sa pagdedesisyon sa buhay, hindi lang ‘yung ngayon ang iniisip kundi ang kinabukasan. Iyan ay isa lang advice ko sa iyo Jena.
But it’s another thing whether you’ll follow my advice or not. Wika nga, nasa sa iyo ang pinal na desisyon. Ikaw ang nagpapatakbo sa buhay mo kaya magdesisyon ka ng tama.
Dr. Love
(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa LibNGA[email protected].)
- Latest
- Trending