Hinahanap-hanap pa rin ang ex-gf
Dear Dr. Love,
Mapagpalang araw po sa inyo Dr. Love at sa lahat ng staff ng NGAYON. Ako po ay isa rin sa masugid ninyong mambabasa sa column ninyo na Dr. Love. Naisipan ko rin lumiham sa inyo para humingi ng advise sa mga pinagdaraanan ko sa buhay.
Ako si Anthony, isang ofw. Ako po ay umalis ng Pilipinas noong 2008 para magtrabaho dito sa ibang bansa at naiwan ang aking ex-girlfriend sa Pilipinas. Noong una pa lang ako dito, malimit siya mag-text at hindi ko siya ma-reply-an ng madalas kasi po busy ako sa trabaho ko.
After four months, napapansin ko na hindi na siya tulad ng dati na malambing kahit sa text lang. Tinatawagan ko, hindi na sinasagot hanggang sa magkagalit na kami at nagkapalitan ng masasamang salita. Pero mahal na mahal ko po ang aking ex-girlfriend. Sa ngayon, nagkaanak ako sa ibang babae pero hindi pa kami kasal.
Ang problema ko po ay hindi ako masaya at hinahanap ko pa rin ang ex-girlfriend. Simula noong umalis ako, hindi na kami nagkita pang muli hanggang ngayon. Ang isa pa po Dr. Love parang hindi na ako makaramdam ng tunay na pagmamahal simula noong nagkawalaan kami ng ex-girlfriend ko.
Payuhan n’yo po ako kung paano malilimutan ang aking ex-girlfriend. Pilitin ko man na mahalin ‘yung kinakasama ko ngayon ay hindi ko talaga magawa. Ang mahal ko lang ay anak ko. Sana mapayuhan n’yo po ako kung paano mawawala sa isip ko ‘yong nangyari sa amin ng dati kong nobya.
Respectfully yours,
Anthony Castillo
Dear Anthony,
Sa daloy ng sulat mo, ipinapalagay ko na ang naging anak mo sa abroad ay disgrasyang maituturin. Pero ano’t ano pa man, nariyan na ‘yan at kailangan mong harapin ano man ang kaakibat na responsibilidad sa pinasok mo.
Sakaling malaya pa ang ex-girlfriend mo, wala akong nakikitang dahilan para hindi mo subukan na dugtungan ang naudlot ninyong relasyon.
Pero kung may sarili na siyang pamilya, pinakamainam na kalimutan mo na ang lahat tungkol sa kanya at harapin ang kasalukuyang kalagayan mo sa buhay. Magagawa mo ito kung itutuon mo ang iyong atensiyon sa iyong anak o kaya’y sikapin na mahalin ang ina ng iyong anak para lumaking may pamilya ang bata. Abalahin mo rin ang iyong sarili sa iyong trabaho.
Samahan mo ng dasal ang bawat pagdedesisyon na ginagawa para patnubayan ka ng Lumikha. Hangad ng pitak na ito ang kaligayahan mo.
~oOo~oOo~oOo~
Dahil sa consistent public demand, muli naming inilalathala ang mga email address nina Lea at Single Lady. Sa mga intresado sa kanila, maaaring makipag-ugnayan sa kanila sa mga sumunod:
(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)
- Latest
- Trending