^

Dr. Love

Iniiwasan matapos maisahan

-

Dear Dr. Love,

Good day!

Isa ako sa maraming tagasubaybay ng iyong column. Gusto ko rin ihingi ng payo ang gumugulo sa isip ko ngayon.Isa ako sa maraming tagasubaybay ng iyong column. Gusto ko rin ihingi ng payo ang gumugulo sa isip ko ngayon.

I’m 23 years old at bago lamang sa pinapasukan ko. Dito ko nakilala ang isang officemate. Kasama siya nang bigyan ako ng welcome party kasabay na rin ng birthday ng isa pang kasamahan.

Naging masaya ang gabi. At may nangyari sa amin ng aking officemate. Hindi ko pinagsi­sihan ang lahat dahil na-in-love na ako sa kanya.

Pero hindi ko alam kung bakit iniiwasan na niya ako. Nasasaktan po ako dahil napamahal na siya ng husto sa akin. Pagpayuhan po ninyo ako.

Lonely girl

Dear Lonely Girl,

Hindi ba obvious sa iyo kung bakit iniiwasan ka na niya? Bakit ka pa nagtatanong? Either nagtatanga-tangahan ka o nabubulagan ka ng pag-ibig mo sa kanya.

Puwes, hayaan mong sabihin ko ang dahilan. Iniiwasan ka na niya dahil nakuha na niya ang gusto niya. Mahirap bang intindihin ‘yon?

Hindi ko nilalahat pero marami sa kalalakihan ang gusto lang maka-isa sa mga babae. Kapag nakuha ang gusto nila, bumababa ang pagtingin sa babae dahil easy to get.

Gaya nang naipayo ko na sa ibang gaya mo, ang virginity ay mahalaga at dapat lamang isuko sa gabi ng kasal.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

AKO

BAKIT

DEAR LONELY GIRL

DITO

DR. LOVE

ISA

LIBANGAN SECTION

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with