Dear Dr. Love,
Sana’y mai-feature mo ang sulat ko bago matapos ang Bagong Taon.
Tawagin mo na lang akong Lagring, 25 anyos at may asawa. Ang problema ko ay ang aking mister.
Magmula nang matanggal sa trabaho ay nagbago ang ugali. Naging mapili siya sa trabaho at kung magkaroon man siya ng work ay pinagsasawaan niya at bigla na lang hindi papasok.
Ngayon ay nasa bahay lang siya. Masipag naman sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng nag-iisa naming anak.
Pero sa tingin ko’y hindi tama ito dahil lalaki siya at hindi dapat ipaubaya sa akin ang paghahanapbuhay. Nagba-buy and sell lang ako ng kung anu-ano pero halos kulang pa sa pangangailangan namin.
Kinausap ko na siya pero mataas ang kanyang pride. Supervisor na kasi siya sa trabahong nawala sa kanya kaya ayaw magsimula sa mababa.
Ano ang gagawin ko sa iresponsable kong asawa?
Lagring
Dear Lagring,
May katuwiran kang mairita sa inuugali ng mister mo. Pero ang asawa ay asawa at dapat gumawa ng paraan ang bawat isa sa ikapapanatili ng relasyon.
Mag-usap kayong mabuti at bigyan mo siya ng encouragement na walang masamang mag-umpisa muli sa mababa at sa pagsisikap ay tataas din ang posisyon niya.
Tingin ko’y na-offend ang ego niya nang mawalan siya ng trabaho lalu pa’t mataas na ang kanyang posisyon. Bilang asawa, tulungan mo siyang makabangon. Be an encouragement to your husband.
Dr. Love
(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa LibNGAYON@philstar.net.ph.)