^

Dr. Love

Na-offend ang ego

-

Dear Dr. Love,

Sana’y mai-feature mo ang sulat ko bago matapos ang Bagong Taon.

Tawagin mo na lang akong Lagring, 25 anyos­ at may asawa. Ang problema ko ay ang aking mister.

Magmula nang matanggal sa trabaho ay nagbago ang ugali. Naging mapili siya sa trabaho­ at kung magkaroon man siya ng work ay pinagsasawaan niya at bigla na lang hindi papasok.

Ngayon ay nasa bahay lang siya. Masipag naman sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng nag-iisa naming anak.

Pero sa tingin ko’y hindi tama ito dahil lalaki siya at hindi dapat ipaubaya sa akin ang paghahanapbuhay. Nagba-buy and sell lang ako ng kung anu-ano pero halos kulang pa sa panga­ngailangan namin.

Kinausap ko na siya pero mataas ang kanyang pride. Supervisor na kasi siya sa tra­bahong nawala sa kanya kaya ayaw magsimula sa mababa.

Ano ang gagawin ko sa iresponsable kong asawa?

Lagring

 

Dear Lagring,

May katuwiran kang mairita sa inuugali ng mister­ mo. Pero ang asawa ay asawa at dapat gumawa­ ng paraan ang bawat isa sa ikapapanatili ng relasyon.

Mag-usap kayong mabuti at bigyan mo siya ng encouragement na walang masamang mag-umpisa muli sa mababa at sa pagsisikap ay tataas din ang posisyon niya.

Tingin ko’y na-offend ang ego niya nang mawalan siya ng trabaho lalu pa’t mataas na ang kanyang posisyon. Bilang asawa, tulungan mo siyang maka­bangon. Be an encouragement to your husband­.

Dr. Love

 

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

BAGONG TAON

DEAR LAGRING

DR. LOVE

LAGRING

LIBANGAN SECTION

PERO

RAILROAD STS

ROBERTO S

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with